First Time Momma

Hello! I am 20 years old and 18 weeks pregnant. Hindi ko po alam if kakayanin ko po, me and my boyfriend are both financially unstable na tipong pang check up ko wala ako and I don't know how to say the right words para sabihin sa tatay ko na buntis ako. I want to give my child a good life but hindi ko pa ito mabibigay ngayon. I know it's also both our fault for doing something we are not prepared for. I want to tell my family but I'm afraid and I don't know how to. #1stimemom #advicepls #pleasehelp

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako naman 19 years old ako nung nabuntis mag 20 years old na. nako kahit anong tago mo rin kasi malalaman at malalaman yan kaya sabihin mo na habang maaga pa. lakasan mo yung loob mo kasi nandyan na yan. kung ano man sabihin o maramdaman ng tatay mo o nanay mo tanggapin mo kasi normal yan lalo na't bata pa pero lilipas yan at matatanggap ka nila lalo na yung bata. si papa ko nga eh halos 1 week ako di pinansin sa bahay para akong hangin tapos si mama nung nalaman umiyak pa. pero ngayon nako sila pa nagpipresenta na mag alaga kay baby, gigising kahit madaling araw kahit kaya naman namin ng partner ko. (kakapanganak ko lang nung Sept 19) at dito kasi kami now sa bahay namin hindi sa bahay ng partner ko. lakasan mo lang loob mo. Trust me. kapag nasabi mo yan para kang nabunutan ng tinik. masarap sa pakiramdam yung wala kang tinatago. Goodluck at wag magpaka stress masyado okay? Godbless sayo at sa baby mo 😊

Magbasa pa
4y ago

tama ka jan mommy same tayo kaso ngalang naghiwalay kami ng partner ko kaya ako lang magisa. preggy pako 7 months but ready na mga parents ko sa paglabas ng baby ko.😊