The life of our Angel

My husband and I was struggling to get pregnant since 2013-2017 until i decided to work overseas for 2years.Came back home april 2019 luckily by july i concieved baby #1 at the age of 33 but sadly on my 8weeks scan it turned out to be chemical pregnancy. After 2months i concieved again with baby #2 everything went well from laboraties, scans until 28weeks turned to be upside down๐Ÿ˜” I had preterm labor due to mild preeclampsia first time ko maospital in my 33years of existence pero para kay baby naging matapang ako.3 days hospital stay laboraties, BPS, and 4shots of steroids given every 12hours para daw sa lungs ni baby. Paglabas ko ng hospital weekly check up na ako sa OB.I had my BP med once a day and 2 doses of protein para mapqbilis ang paglaki ni baby.Nagtaas baba ang BP ko until 33weeks.July 14 ng gabi sumakit ang ulo ko naglagay ako ng salonpas sa sentido hanggang sa nakatulog ako. July 15 scheduled check up ko at 3d/4d ulyrasound naman ni baby.Excited kami ni hubby nagdala pa sya ng bagong flash drive para dun isave instead na cd.9am palang nasa brgy. na ako para kumuha ng health pass para makapunta sa bayan pero nagpabalik balik lang ako doon hanggang sa naawa yung isang health worker pinirmahan nya yung pass ko ng patago dahil ayaw pirmahan nung midwife kung wala akong qpass yun daw ang abiso sa kanila๐Ÿ˜” 1pm nasa clinic na kami ni hubby kuha ng bp at timbang then salang sa ultrasound sabi ng OB neng hindi na tayo mag 3d mamaya makikita mo na ang baby mo. ang taas ng BP mo 167/110 iCS na kita hihiwalay na ang placenta mo magpa admit kana.Na shock ako mix emotions attacked tapos dun ko naramdaman na iba yung likot ni baby sa tyan ko.Right away nagpa admit ako sa hospital si doktora naman mabilisang tinapos ang chek up ng mga pasyente at nagpa cut off ng maaga para maasikaso ako. Nung araw na yun i surrendered everything to God no family in the operating room i was there alone with ob, anesthesiologist, pedia and 4 nurses. Umabot pa sa puntong nag 200 ang bp ko pero di ko naramdaman mga yun. Nung nag offer ng prayer yung anesthesiologist gumaan ang pakiramdam ko.ramdam ko yung mga kamay nila sa tyan ko, rinig ko usapan nila na ay konting konti nalang ma detach na talaga ang placenta. Then i heard my baby cry sobrang lakas nilapit nila sa mukha ko. Walang unak yakap walang unang halik dahil nagmamadali silang dalhin sa nicu and i feel empty but the thought of my girl alive is more than enough. Sumapit ang maghapon magdamag di ko nakita ang anak ko the following day khit sobrang sakit pinilit ko bumangon paraapuntahan ang anak ko.4 days nicu stay is overwhelming today is ok tomorrow is unsure.nakakatakot ang mga tunog ng makina until badnews came ang anak ko hirap huminga mula paglabas nya, hindi normal ang laki ng puso nya dun ko nakita as day goes by yung pink na kulay ng anak ko naging purple.yung oxygen nadagdagan ng ambu bag sobrang sakit. Yung monitor ng puso nya taas baba tigil, taas baba tigil.Gusto kong makasama yung anak ko, gusto kong ilaban pero yung murang katawan nya pipigilan ko bang magpahinga? Hindi ko alam kung kasakiman o pagmamahal pero nung araw na yun sa ika apat na pagrevive sa kanya pinatigil ko at nakiusap ako sa nurse kargahin ko nalang ang anak ko. 1hour karga ko ang anak ko at nakita ko walang kurap kung paano sya nawalan ng hininga. Tumigil ang mundo ko nagtakbuhan ang mga sana sa isip ko.Ang asawa ko mula nun dina sumasabay kumain, nagkulong sa kwarto, late na umuwi galing trabaho nagmukha syang border namin. Pagtulog ko wala pa sya paggising ko wala na naman sya. Doon ko narealize na God gave me second chance of life dahil alam nya hindi kakayanin ng asawa ko kung kaming mag ina ang nawala.My baby left me so dad and i can continue our family. Preeclampsia is not a joke sometimes come slowly sometimes quickly. Meet LIA ABDIEL PASION born too soon Dads little princess, Moms little fighter.

The life of our Angel
323 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Condolence sis๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ totoo hindi biro ang preeclampsia.. same case tayo, na preeclampsia din ako sa panganay ko, actually normal lahat sakin kht sa simula palang ng pagbubuntis ko... one day 38 weeks and 6 days na tummy ko may discharge ako na parang tubig pero no pain... 3pm non, saglit na saglit lang sya hindi sya tuloy tuloy na buhos... after nun 5pm nagpadala na ko sa hospital no pain pa din, pag dating ko ng hospital pinagalitan ako ng nag asist sakin na kesyo tuyo na daw panubigan ko, na delikado na ang baby ko, na surely CS ako g na g tlga sya sakin that time, pinalipat nya kami sa provincial hospital dahil hindi daw nila kaya case ko... buong byahe iyak ako ng iyak, kasi sino ba namang hindi matatakot kpag sinabihan ka na delikado na ang baby mo dahil sayo.... pagdating namin sa ospital inasist agad kami mabait yung oby na nag check up sakin sabi nya hindi pa daw ako manganganak buong buo pa daw yung panubigan ko, pero iinduce na nika ko dahil tumaas ang bp ko at mild preeclamsia na nga din ang case ko... sobrang daming hirap na dinanas ko ang daming tusok dahil na din sa taas baba ang bp ko, binigyan nila ko 24 hrs para maglabor at mainormal si baby... 8pm nasa labor room na ko, at dahil public hospital ang daming mommy na nanganganak... as in live akong nanonood... nung nagstart na ko maglabor nun ko naranasan yung sakit nakakaiyak wala kang kasamang kakilala ikaw lang may masusungit na nurse at doctor... 10:30am nun na lumabas si baby, akala ko mamamatay na tlga ko that time sobrang swerte ko kasi nilabas ko ng sobrang healthy si baby, exact 39weeks sya that day... 4kgs normal delivery... pero hindi pa din kami nilabas ng Er dahil dinudugo ako at under observation 24 hrs akong walang tulog walang tubig walang kain... ang daming injections every 2hrs sa pigi, naka catheter malaki din tahi ko hangang sa butas ng pwet palaging iE kht nakalabas na si baby... don ko tlga na realize na ang hirap ng case ko pero thankfull ako ok baby ko... ako nalang mag hirap wag lang sya... may 5, 8pm nung huli akong nakita ng asawa ko, may 6 10:30am ko naipanganak si baby... 12am may 7 nung nilabas ako at dinala ng ward at nun lang kami nakita ni hubby... hindi tlga biro ang preeclampsia before and after manganak yung hirap kasi after ko manganak continues pa din yung napakasakit na injection sa pigi every 2 or 3 hrs... sobrang swerte ko nalang din kasi full term na si baby that time... ngayon 4yrs old na si baby boy ko... at buntis ako sa 2nd baby ko 37 weeks and 4days, natuto na ko kaya sinigurado ko na yung pag papaanakan ko... hindi na din ako nag pacheck up pa sa center(sila yung nagdala sakin at nagrekomenda sa unang ospital na pinuntahan ko)

Magbasa pa
4y ago

Wow๐Ÿ˜congrats sis sana next journey ko ganyan din ka smooth ๐Ÿ™