Mas kilala ng baby ang taga alaga kesa sa nanay

Hrllo po mga mommies, meron din po ba dto na mas kilala at mas hahabol ung baby sa taga alaga kesa sa sariling nanay? Nakakalungkot lang po kasi 8 months na baby ko and everyday may pasok ako from 8am-5pm. Any tips po para mas makilala at mas maging malapit si baby sayo?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nakakalungkot talaga yung ganyan mommy sa'ting mga working moms. kelangan tanggapin at gawin na lang ang lahat ng makakaya pag may pagkakataon na makasama ang anak natin. nakakapag selos. pati sa asawa ko nagseselos na ako kc mas nakakasama niya baby namin. uwian kc siya. ako nagbo board pa sa malayo. tapos hanggang Thursday ang pasok ko weekly. kaya 4 days akong di nakikita ng baby ko. 4 months na siya ngayon. pag umuuwi ako minsan feeling ko di nya ako kilala. nagpapakarga naman pero feeling ko kahit sino pwede siya makarga kc mabait tlga siyang bata. kahit sino nginingitian niya. bale walang special reaction para sakin. 😅 pag may isip na siya, ipapaalala ko lagi na ako mama niya. dun na lang siguro makakabawi. 😔

Magbasa pa

Yes, normal reaction yan ng baby dahil yung taga alaga ang laging kasama. kung gusto nyo po na sayo maging clingy si baby, maging hands on mom ka (break sa work kahit until 1yr old na si baby). sa akin naman since ang sched ko sa work ay every other day or minsan may magkasunod na double off tapos duty tapos off, kahit paano naaalagaan ko si baby. wala kaming taga alaga, kami lang ni hubby nagpapalitan kaya ang schedule ng duty namin sa hoapital as per our request ay alternate.

Magbasa pa

Yes, ganun po talaga, it's inevitable. Advise ko lang po para maging close pa rin kayo ay breastfeeding po sana hanggat maaari, best bonding session nyo ni baby. Also, just make the most out of your time with lo. Kahit na pagod na kayo sa work at byahe, kailangan talagang mag-extra effort to spend Quality time with lo-- such as playing, reading books and eating time ☺️

Magbasa pa

anong oras ka mi umaalis at nakakarating ng bahay? gising ba si baby mo pag umaalis at dumadating ka? lapit na din ako bumalik sa work at naiiyak na dn ako pag maisip ko mas mapapalapit sya sa mag alaga sa kanya. single mom ako kaya hindi ako pde hindi mgtrabaho. sana makahanap ako ng wfh para mas maalagaan ko si baby

Magbasa pa

Ganon po talaga yun dahil yung taga alaga ang kasama ni baby most of the time,don sa taong yun nya nararamdaman na secured sya. Tips: Mag resign ka at mahing hands on mom para mapalapit sayo si baby at hindi sa ibang tao.

Ganon tlga,syempre sila mas nakakasama ng bata eh di dun tlga sya masasanay. Tips ko sayo more quality time and communication sa anak mo. Wala ng ibang way kundi ikaw mismo mag-alaga kung gusto mo mapalapit sayo anak mo.

Ganon po talaga mami. nakakalungkot pero yung ang mangyayari talaga. solusyon po dyan e maging hands on mom po.. kaya ko nag resign ako sa work ko para ako kismo mag alaga sa Baby ko.. FTM po :)