Unplanned Pregnancy
How should I tell my Parents? And how would they react ? I’m scared and a little frustrated #advicepls #firsttimemom
Talk with your partner about your plans together. Whatever you and your partner decide to do, telling your parents sooner can allow them to help you out. They may need time to gather their thoughts about your pregnancy. It may be a difficult conversation, but you can get through it. If anything happens to you, only your parents can help you no matter what. Cheer up! 💪🏼
Magbasa paGanyan din ako first time mom din hehe, tagal din namin tinago kasi nauunahan ng kaba at disappointment ng magulang. Pero once na maaamin mo na laking luwag sa pakiramdam, yung galit saglit lang mga ilang araw lang pero matatanggap din nila agad, sakin nga tuwa at lungkot pa nung una kasi nag aaral pa and graduating na. Kaya go na mii, face the reality ika nga nila.
Magbasa paIts a blessing, madaming babae yung gustong mag ka- anak pero hindi binibiyayaan maswerte ka. Lahat ng bagay may reason binigay sayo iyan kasi may dahilan ingatan mo yan. I am 3 months pregnant ganiyan din ako nung una ang dami kong what if ang ending tinanggap padin nila. And mag pray ka din palagi godbless you and sa magiging baby mo :)
Magbasa paganyan din ako noon sa first baby ko sobrang takot ako sa magulang pati mga kuya ko only girl kase bunso pa . akala ko magagalet sila pero hindi mas inalagaan pa nila ko lalo nung naging maselan pagbubuntis ko ☺️ wag kang matakot matatanggap rin nila yan kase ang baby ay isang blessing ♥️
ako 3 months bago namin nasabi sa parents ko na preggy ako, a soon as possible sabihin mo na kasi masstress ka, 1st check up ko 15 weeks na 'ko tapos 'yung timbang ko 37 lg kasi hindi ako makakain/ makatulog dahil sa pressure, nu'ng nasabi namin gumaan na 17 weeks pa lg ako pero nag 40 na timbang ko hehe.
Magbasa paganyan rin ako nung una. kaya nung nag sabi ako sa parents ko nagpakumbaba ako at tinanggap lahat ng sinabi nila sakin pero lumipas rin araw natanggap na nila at excited na rin. okay lang matakot at harapin ang takot mo sa sasabihin ng iba pero isipin mo lagi you are blessed at makakayanan mo yan :)
Magbasa paGanitong ganito rin ako super tagal kong nag tago. Pero nag sabe at umuwi rin ako samin nung una ayoko maniwala sa iba na magiging okay din lahat pero mali ako. Kasi nung nag sabe ako sa amin tinanggap ako ng buo ng magulang ko. Kaya mag sabe kana wag ka matakot Isipin mo ang baby mo
Compose yourself. Itiming mo paano mo ishishare sa kanila at kahit ano pa man worries mo kailangan mo maging handa ka sa ano mang sasabihin nila. Wag ka matakot, mas mahirap walang mag aalalay sayo habang buntis ka para alam nila paano ka aalagaan.
Wag kang matakot blessing po yan marming kababihan na nag hahangad mag ka baby isa na rin po ako. Sa umpisa lang po yan papagalitan ka ma tatanggap karin nila at yung baby manalig kalang po sa panginoon. wag ka po mag pa stress.
Its a blessing not a burden. Sa una lang magagalit family mo kasi madidisappoint sila sayo pero wala na silang magagawa but to accept the baby. You are more than bless kasi madaming babae ang gustong gustong magkaanak.