Question

How many weeks pregnant were you when you experienced spotting and how many days were you spotting?

69 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung nalaman ko na buntis ako nagpa-tvs agad kami para malaman ilang weeks na si baby (estimated 6 weeks). Pero after ng tvs nagkaroon ako ng spotting pero super konti lang talaga. Then kinabukasan nagulat ako na may spotting na naman ako brown na siya, konti at hindi malakas pero nagworry na ko.. Kaya pumunta kami sa lying in nagpacheck up tapos binigyan ako ng pampakapit for 7 days at bed rest. After 2 days ng pag-take ko di pa rin nawala kaya nagdecide kami ng asawa ko na magpunta na sa hospital kasi hindi normal na nagii-spotting.. Chineck naman ako ng OB sa hospital then sinabihan ako na magpa-tvs ulit after 2 weeks then ituloy tuloy ko lang yung nireseta na pampakapit at mag-bedrest.. After ko ma-complete yung pampakapit after 3 days ata wala na kong spotting.. Thankful ako kay Lord dahil hindi niya kami pinabayaan ng baby ko ❤️..

Magbasa pa

6weeks ako subchorionic hemorage ako pero nde ako spotting, after 3 weeks taking duphaston.. Then 12 weeks bigla aq spotting ksi cguro sa pagod kkatayo kilos sa bhay after 2 days spotting prin pachek up nko nagpa tvs ulit ako. wala nmn na nkita s hemorage 1 week ako pinagtake ng duvadilan nagwowory prin ako ksi 3 days nko nagttake ng duvadilan spotting prin pero yung 4 days ayun nwala na spotting ko till now, thanks God! Nde rin ngpapagod at wala din kme sex ng hubby ko. 15weeks now, soon balik ulit sa for monthly check up..

Magbasa pa

6 weeks na pala si baby nung nalaman namin na buntis pala ako....after namin nagpacheck.up kay docu bumalik ako after 2 weeks kasi may mga spotting sa undies ko,.takot na takot ako nun kasi 1st pregnancy ko wala pakong alam....yun binigyan ako ni doc ng pampakapit,pero simula nun araw2x parin may dugo undies ko,nung una color brown kalaunan naging red na namay buo2x pa,thank God nung nagpa ultrasound ako safe naman si baby so bedrest na ako.....

Magbasa pa

Sakin po 9 to 11 weeks. Binaliwala ko lang kasi ng first time ko magbuntis di ko alam ang nangyayari akala ko normal lang hanggang sa last spotting ko naiyak na talaga ako kasi alam ko may ibang nangyayari kasi ang dami ng lumabas napaparanoid ako kaya nagpacheck up ako then binigyan ako ni ob ko ng pampakapit. now I'm 27 weeks and 4 days pregnant. Good thing healthy na si baby 💗

Magbasa pa

nag spotting ako sa first child ko Nung 1week preggy ako dhil naaksidente sa motor pero di nmn ako nakunan tinatatagan ko lng loob ko para di ma stress at matrauma Ang baby sa tyan! at normal lng nmn daw po Ang spotting Lalo na kung months na ito dhil nag eexpand daw so baby sa tyan ni mommy Kaya May nag spotting

Magbasa pa

Implantation bleeding lang ako, light lang siya tapos patak patak pero sandali lang siya wala pang isang araw nawala din. So far normal naman and okay ang result ng TVS ko, sabi ng OB ko ganun daw talaga sa early pregnancy, wag lang heavy blood na tumatagal ng ilang araw ang lumabas at yun daw yung delikado.

Magbasa pa
3y ago

Kamusta na po kayo momsh?

At my first trimester I was recommended by my ob to have cerclage.. In the 2nd trimester,, 17 weeks I had a very slyt spotting... Currently I am in bedrest at the same tym wfh.. And I'm 21 weeks pregnant ❤️❤️ let's always pray na mgiging OK lahat... God is a great healer🙏

april 14 nag PT ako positive😊.peru nag spotting ako,takbo agad ako sa ob ko,saka ko nalaman na 9week preggy na pala ako nun.pag check xkin ni ob,mabuti nman at safe sc babay😊😊kaya kung may spotting po kaya mam mama takbo agad sa ob po♥️

thank God 18 weeks & 4 days na ako at walang spotting or any kind of bleeding. kasi hindi normal yon if you are pregnant and kung makaexperience ka man non, mag pacheck ka kaagad sa OB mo kasi masama yon at may tendency na malaglag si baby mo

4y ago

important tlga ang pag ccheck up sa ob😊

Honestly,wala po akong spotting kaya di dn ako agad naging aware na buntis na pala ako. basta delay n agad ako ng tuluy-tuloy. as in walang kahit konting spot. pero sobrang sama n agad ng pakiramdam ko that time.