Dear TAP
How I wish may nagmomoderate ng posts dito sa App na ito. Pansin ko lang na halos araw araw na lang may mga nababasa ako about abortion and tahasang pagsasabi na ayaw sa pinagbubuntis at ayaw ng ganiting gender ng baby. As far as I knoelw, ang App na ito ay para sa mga nanay, buntis at sa mga gustong mabuntis. Hindi para sa mga gustong magpaabort at magsasabi na ayaw sa pinagbubuntis or sa gender ng pinagbubuntis nila. Bilang isang ina, nakakastress na makabasa ng ganon and at the same time nakakalungkot. May mga kakilala ako na gustong gusto magkaanak pero hindi mabigyan kasi may PCOS or dahil may health issues. Mabuti sana kung maayos magsisagot kaso hindi eh. Ang babastos pa, parang nagmamalaki pa. Sana lang talaga ano, may nagmomoderate at may nagsasala ng mga posts dito para hindi maging toxic.
Nanay | PCOS