How can I tell them?
How can I tell them? I just turned 19 1 month ago. First year college palang ako... Paano?? Send help. ? I'm really scared. Of everything.. grabe, ang failure ko talaga. I'm a big disappointment.

Ako nga e 18 y/o ako ngayon natatakot na since nung june pa ko di nagkakaroon pero nag pt na ko nung august before mag start ang pasukan since august start pasukan namin and malabo kasi yung isang line kaya panatag ako na wala yun rin sabi ng pinsan ko na baka tulad lang sakanya na 6months di nagkaroon so nagpaenrol parin ako and pumasok.Single mom si mama ofw siya for 5 years na wala si Mam and nalaman namin na di na muna siya pwede bumalik kasi may sakit siya sobrang hirap talaga binenta ko pa phone ko sa kagustuhang makatulong and tinutulungan rin ako ng mga tito and tita ko. Sept na wala parin akong dalaw di na rin maganda performance ko sa school di ko talaga inexpect na buntis na ko kasi namamayat ako dahil na rin sa di nakakakain ng maayos. Oct nag pt ulit ako positive siya di ko alam pano sasabihin so nagpacheck up ako kasi may gumagalaw na sa tummy ko 5months na si Baby ang unang sinabi sakin ng nurse "ituloy mo ha". Di ko tanggap kasi grade 12 na ko tapos first graduation ko sana na meron si Mama kaso ganito pa. Gusto nilang ituloy ko pag aaral pero alam kong dina kakayanin since privat school yun kaya nag stop na ko . Masasakit na salita natanggap kon, chismis dito chismis doon ang masakit kamag anak ko pa mismo araw - araw na puro iyak nakakulong lang ako sa kwarto and then after how many weeks bumabalik na lahat sa normal . Ngayon 6 months na tummy ko tanggap na nila lalo na si Mama sobrang swerte ko dahil never akong nakatanggap ng kung anong salita kay Mama she's the best mom. Kaya mo yan sis sabihin mo na sakanila ganyan talaga sa una natural lang na masaktan sila wag mong isipin mga tao sa paligid ang isipin mo yang blessings na binigay ni God di pa naman huli para makatapos e binigyan lang tayo ni God ng isa pang inspiration para mas maging matatag😘❤️
Magbasa pa