24 Replies
More patience need nyan mamshie and understanding🙂marami kasing meaning ung "isip bata" may friend ako ganyan din problem nya na loko sa games pero hindi naman sila pinapabayaan lahat ng needs nila bigay kaso si girl halos araw araw nag salita dito salita Doon kung baga na pag initan ung games. Hanggang sa tumatagal ganun pa din until nalaman nya nag cheat na sa knya nahuli nya may ka chat na si partner nya at sinasabi na na out of love na sa knya kasi paulit ulit nalang ung issue at daldal ni girl about dun mas na push daw sya kaya nya nagawa un. Kaya need nyo pag usapan yan mamshie at wga patagalin para aware kau pareho sa situation. Pero in a nice way na pag uusap lalo na kung di naman kau pinapabayaan talaga mag ina🙂 open communication, trust, and PRAY is the key 🗝 🙂
mommy give your partner the time para magsink in mismo sknya na magiging daddy na siya, ganyan din partner ko nun sa eldest namin sabi nga niya sinusulit na niya mga oras na magagawa niya pa makipaginuman sa labas as in super stress ako kasi umaga na nauwi galing inuman pero never naman siya nagkulang samin ni baby siguro napakasensitive ko lang din kasi nga buntis pero nun kabuwanan ko na nagstop na siya up to now with our 2nd angel never na siya lumabas with tropa siguro kaya medyo habaan mo pa patience mo sa partner mo malay mo magiba din paglabas ni baby
sa relasyon babae ang laging nagdadala nyan, mas need palawakin yung pag unawa at pasensya, maybe now di pa nagsisink in sakanya na magkakababy na kayo pero napag uusapan lahat ng bagay, pero kung nakapanganak ka na at wala pa rin aba!! mag isip isip ka na girl!! kahit Hindi na para sayo syempre para sa future ng anak nyo
Nasa lalake yan mamsh. Yung asawa ko isip bata sya in a way na mahilig sya sa mobile and computer games pero when it comes to his responsibilities at pag aalaga nya sakin, wala talaga akong masabi dahil meron syang initiative. Hinahayaan ko lang rin sya sa mga gusto nya dahil alam kong yun lang stress reliever nya. 😊
Parehas ng sa akin. Found out that he was cheating habang buntis ako, nung nalaman ko muntik pa kami mapahamak ng baby ko dahil sa sama ng loob inatake ako ng eclampsia thankfully nadala agad ako sa ospital. Siguro nga may mga lalake na hindi agad nag mamature. Masakit man aminin pero totoo. Pakatatag lang momshie
Men generally takes a longer time to mature so preferable talaga not to get into making a family while young kasi matagal pa hihintayin mo bago nila matauhan na may pamilya sila that they should be responsible for, not their parents or anyone else.
Partner ko ganon rin isip bata pa pero he is responsible naman sa mga kailangan namin ni Baby talagang umiikot ang pwet pagka hindi kumikita isang araw. Just make sure kahit na isip bata sila alam nila responsibilidad nila bilang Tatay
Asawa ko din mahilig sa mga games pero pagdating sa responsibilidad maasahan nmn sya hindi lng tlaga mawala ang gaming minsan niyaya ako kaso hindi ko hilig wala tuloy sya kalaro. Gagawin daw nia gamer magiging anak namin
relate aku jan nakakainis sempre but wala akung magagawa nakakapagud dn kasi salita ka ng salita tapos dika maintindihan much better tatahimik na lng
Parehas po tayo, para silang batang paulit ulit mong pag sasabihan pero hindi nakikinig nag bubuhay binata parin kahit tatay/magiging tatay na.