Housewife

Housewife: gusto day off or me time lang Husband: may work ka? Bakit day off? Anong say nyo po?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Sa husband ko, lagi ko ine-explain sakaniya na ang mag asawa partners hindi magkompitensya, walang 'ito gawain mo ito gawain ko', walang 'ako dami kong ginagawa ikaw ito lang ginawa', walang 'ako nag tatrabaho kaya ikaw dapat ito ang gawain'. Same kami may me time at may day off. Yung day-off niya day-off ko rin. Ibig sabihin kung wala siyang pasok, nakakapagpahinga ako kasi natutulungan niya ako sa gawain. Alam niya hindi madali ang gawaing bahay at mag alaga ng bata kasi naexperience niya nung nahospi ako for 6 days, absent siya nun at although andyan parent at aunty niya, stress na stress parin siya 😅 Although minsan nakakalimot siya, pinapaalalahanan ko lang siya. Okay naman ang lahat. Kailangan lang ng paliwanag ng husband mo. Na hindi porket nasa bahay lang wala nang ginagawa. Yung mga katulong nga sinuswelduhan at may day off pa, me time or day off lang naman hinihingi natin. Give and take, mag asawa diba ☺️

Magbasa pa