NOT PRIORITY
Hlow po sa inyo gusto ko lang mag labas ng sama ng loob kasi sobrang sikip na ng dibdib wala akong masabihan ? Nahahalata ko na na hndi ako ang priority ng bf ko. Namanhikan na sila sa amin, parang ayaw nya ako kasama im 35 weeks pregnant now. Gusto ko lng naman na dto muna sya sa amin kasi buntis ako, kylangan ko rin nmn ng kasama dba, tuwing mag lalaba ako lang, naiinis dn ako sa inlaws ko kasi parang ayaw nila na nndto yong anak nila, sana mn lang meron akong kasma ftm ako, nhihiya din ako umasa sa pamilya ko. Pati sweldo nya sobrang liit lng ng binibigay nya 5k sweldo nya 1k lng bnibigag nya sakin, ganon ba talga kong hndi pa kasal. Iniisip ko nlang wala pa akong krapatan sa kanya kasi hndi pa kami Kasal. Hanggang ngayon hndi nya ako maintindhan, kulang pa gamit ni baby malapit na ako manganak, sobrang sama tlga ng loob ko ?? .

Yun saken naman di ko maintindhan. Kung kami ba tlaga priority o magulang nya. Simula ng malaman na buntis ako ayun nagstart na ung stress ko ng sobra hangganh sa manganak. Nkapamanhikan naman sila dto samen at oo kinukuha rin ako nila kaso di naman pumayag side ko kase nasa ibang lugar kami that time ng nanay ko eh hindi ko naman sya maiwan at mas ok na kasama ko nanay ko non. Naging set up magbbgay sya saken every month ng 5k. Nung una nakakapagbgay naman sya tapos nung sumunod na month 3k na lng naibgay nya hanggang sa nakabalik na kami ng nanay ko samen tlaga wala ng nangyayareng bgay ng pera. Kase ung sweldo nya di sapat sa kanya. Hanggang sa ako na rin nasagot ng pampacheck up ko every month at ung pera na binibgay nya may hati pa ng magulang nya. Hanggang sa makaanak ako, ung pampaanak ko nanay ko na sumagot. At dahil nagkaron ng pandemic naging dahilan na rin un kumbakit di sila nakapunta nung nakaanak ako. Malay ko kung sapat na dahilan ung di pede lumabas ng sarili nilang barangay that time. Tapos nitong nagkagulo gulo na kami at ayaw ko na sumama sa kanya nasumbatan na nya ako na halos wala na raw natitira sa kanya at parang ang labas nagdedemand ako palagi eh sa anak naman nya un mapupunta. Masyado syang sinungaling. Sya naman may gusto na bilhan ng kung anu ano ung baby sabay ganun sasabhin nya. At ngayon di na nya ako minemessage kase di ko raw sya kayang ipaglaban. Ipaglalaban ko pa ba ung gugutumin lng ako? Grabe naman. Sensya na gusto ko lng ishare
Magbasa pa