Biyenan at Asawa Problems
Hirap pala na habang buntis ka di kayo magkasama ng asawa mo. Ayaw kaming pagsamahin ng parents ng asawa ko kase nag-aaral pa siya 2 years pa bago siya makagraduate. Tapos nag-iba din pakikitungo sakin ng mga magulang niya. Siya naman palibhasa Mahal na Mahal ng nanay sinusunod naman niya lahat ng gusto ng nanay niya. Gusto pati ng asawa ko laging kasama barkada niya dun daw siya masaya e hinahadlangan ko pa daw. Magbibigay sakin ng pera siya lang din nakakaubos kase magloload para magml tapos pangyosi pa niya at mag-aambag pa sa inuman. Sobrang hirap ng sitwasyon ko ngayon malapit na ko manganak asa ako sa mama ko ngayon di ako umaasa sa parents ng nakabuntis sakin kase parang nasa isip nila kasalanan ko pa. Hirap na hirap sila maglabas ng pera sa public hospital lang ako nagpapacheck up kase nawalan ako ng work naging maselan kase pagbubuntis ko. Pang ultrasound ko sa mama ko ako nahingi Hindi sa kanila naaawa na ko sa mama ko kase Wala siyang trabaho hiwalay din sila ni papa pero nakakagawa pa din siya ng paraan para lang mabigay niya yung pangangailangan namin. Parang gusto ko na lang kami na lang ng pamilya ko magpalaki Ng anak ko Hindi na ko aasa sa pamilya ng asawa ko at sa kanya. Tulungan nyo naman po ako magdecide. Going to 8 months na po tiyan ko ganito pala kahirap pag first time mom. Help po ?