27 Replies

medyo mahirap talaga makisama though mabait naman si MIL ko ang ayoko lang is parang di nila pinapakawalan ang asawa ko, yung motor na pag aari ng asawa ko gusto iwan skanila dahil daw sa hindi ko naman magagamit kse nga may anak daw ako na maliit(5 months old) pero marunong po ako mag drive si hubby nasa ibang bansa na siya ngayon. pati yung mga utang nila ang gusto si hubby ang magbayad kahit hindi na nakaka alis si hubby yun na agad bilin nila. BTW. si hubby po bago kami nag asawa bnigyan sila ng bagong bahay plus sari sari store na nalugi dahil asa nman sila sa padala hindi nila napalago feeling ko parang sumosobra nman na sila both parents no work pero hindi pa seniors ever since wala work yung papa niya lang pagtatanim ang kinakabuhay(palay,kopra) nung nasa japan pa si hubby lahat skanya pagkain pang sari sari store pagpapatayo ng bahay gatas diaper ng mga pamangkin gastos sa pagtatanim ng palay lahat sknya knowing na lima silang magkakapatid inasa lang skanya lahat. naglalabas ako ng sama ng loob kay hubby talagang pinag uusapan namin kaya nung umalis siya umalis din kami mag ina dito kami sa mama ko dahil msyadong toxic duon maingay daming naniningil alam mo yung feeling puro negative ang nasa paligid.

Currently living with my inlaws and my sisters in laws nsa iisang bahay kme kanya kanyang kwarto. Nabastos nako ng bayaw ng asawa ko verbally tiniis ko hanggat nagsumbong ako sa mother in law ko at sinabi sa sister in law ko, nag away silang mag asawa at nag sorry saken. Lage lage nag aaway sister in law ko at asawa niya nkaka istorbo nag sorry sa amin kada away dhil nkaka nerbyos away nila, minsan nag sasaktanan at darating mga pulis normal need namin mag salita dhil tinatanong din kme kng ano ngyare. Sa lahat ng yon WALA SILA NARINIG SA AKIN. Nagkaron kme ng aso ng asawa ko kaso problema sa aso ko umiihi kung saan saan, dami nilang nasasabi. Kaya sumama loob ko sakanila dinabog dabogan kona sila at di na masyado pinapansin. Ngayon kinakalat ng sister in law ko na lumalabas na daw tunay kong ugali. Wow, after sa dami kong tiniis sakanila isa beses lng ako nagkamali (yung sa aso) marami nako maririnig samantalang sila wala sila narinig sa akin. Sa dami dami kong tiniis dito napuno nako kaya naging ganto nako sakanila.

pero mother in law ko sobrang bait natulungan niya ako sa mga unang buwan kong panganganak at hanggan ngayn natutulungan niya ako. Problema ko lng yung isa kong sister in law.

Relate ako sayo mi, pero wala akong problema sa father and mother in laws ko, sa kapatid nyang bunso ako naiinis. 16y/o na minsan parang bata at minsan parang matanda. Ganito pala pag nasa ibang bahay ka, kahit ubos na pasensya mo kailangan mo lang manahimik. Sa kung anong bait ng magulang at lip ko, diko makita sa bunso nila yun. Parang sya yung pinapakisamahan ko dito. Buntis pa naman ako at ang hirap mag control ng emotions. Lalo pag may mga usapan na pang matanda lang sana or samin lang, nakikisali sya. Siguro kasi hinayaan syang ganon kaya akala nya okay lang, may kapatid akong 18 at 22, ako halos nagpa laki kasi maaga kami nawalan ng nanay. Kaya siguro di ako sanay sa ganitong klase ng ugali at the age of 16 na ganun umasta,sumasabat at sumasagot. Hay na share ko lang po. Na stress kasi ako. 😪

Mas mabuti mag bukod sis. Ako kahit anong trato mong pagmamahal sa inlaw mo kahit busogin mo pa at bilhan ng kung ano ano, may masasabi at masasabi talaga yang masama sayo. Minsan kasi, wala naman tayong ginawang masama. Saydang naiinggit lang talaga sila. Kaya ako? Simula nung bumukod kami ng asawa at anak ko, tumaba ulit ako at mas naging masaya. Pag kami lang kase sa bahay hindi bantay sarado yung mga galaw ko. Alala ko pa 1 week or 2 weeks after ko manganak sinabihan ba naman ako na ang laki daw ng tyan ko parang nanganak na daw ako ng tatlong beses. Like helloooo!? Kakapanganak ko lang. Di ba obvious? Tsaka yung mga bagay na ganun di naman yun dapat sinasabi. Kaya ako, yung inis ko andito pa rin. Kahit di ko nakikita. Napatawad ko kahit di humingi ng sorry pero di ko makakalimutan yun.

kami naman mi , sa side namin nakatira si partner ko magaling naman makisama and wala nasasabi parents ko , but we are planning to move out pagtapos ng taon na to august din kasi EDD ko kaya gusto muna namin patapusin itong taon na ito. wala namang problem na dito kami nag-i-stay but syempre magkakababy na kami gusto din namin maexperience na kami lang as a family and makapag ipon din ng mga gamit. if di po healthy feeling mo jan mi kausapin mo si partner na move out nalang kayo.

Super hirap talaga mommy. Yung sakin kahit wala ako ginagawa pinagkakalat ni MIL na masama ako buti nlang kampi hubby ko sakin kaya ayun sinabihan siya UNDER ko raw. May masasabi talaga sila sa tin 🤧 Kaya pagsisikapan ko after manganak balik agad sa work para makabukod na. Yung parents ni hubby ayaw kami payagan bumukod kaya andito ako habang buntis pero si MIL palala ng palala di ko na maimagine kapag lumabas si baby mas grabee pa siguro

ganun po talaga mii, sakin mabait naman yung inlaws ko dun ako sa asawa ng kapatid ng jowa ko naiinis. lahat kinaiingitan eh mas paboritong manugang yun ng inlaws ko which is wla naman problema sakin basta wag lang pakikielaman anak ko. kaso sa sobrang inggetera nun nananadya na

my ganyan tlga...

i feel you momsh. no choice parents parin sila ng partner natin. ako naman sa lola ng partner ko ako naiinis ng subra apaka pakyalamerang matanda talaga! juiceko! buntis pa naman ako and subra na sstress talaga ako sakanya!

GANUN PO TALAGA KASI BAHAY NILA YUN,BUTI SANA KUNG BAHAY NIO YUN... GANUN TALAGA PAG NKKTRA KAYA NGA PINAKA PANGET SA LAHAT KAHIT SAAN KA MAGPUNTA AY ANG MAKITIRA KZ KAW UN MAKIKISAMA.KAHIT AYAW MO KAILANGAN MO MAKISAMA.

dapat talaga bumukod mamsh nu. mahirap un ganyan kasi pag naka prob kayo magpartner/mag asawa hndi pwedenh hndi sasawsaw un parents nya. also mga simple problem na kaya nyo maayos agad lalaki pa lalo. 😔

true yan mi ung may gsto kami pag usapan ng partner ko may mga plano tapos bigla ba nmn susulpot sa kwarto eepal sa usapan,tsaka nag iiba ugali kpg malapit n sahod mabait n😂 kpg naubos n sahod anak nya ako aawayin kesyo di ako mrunong mag budget eh mabisyo anak nya mas malaki pa gastos sa bisyo kesa sa anak.jusko buti nlng nkauwi na kmi dto samin

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles