34 weeks pregnant
Hirap na ko makahanap ng position pag tulog,mahanap ko man after few mins di naman comfortable. Hirap pa umikot kasi page nakaflat hindi naman makahinga. gising din ako every 2hrs. Mas madalas din ako umihi ngayon minsan mga 15mins lang pagitan wiwi ako ng wiwi. Ganun din ba naeexperience nyo mommies? Ang hirap 😭
going 34 weeks, nakakatulog naman pero ang gising ko para umihi is between 1am to 2am, then 3am to 4am, then 6am.left side din ako matulog with maternity pillow. mas hindi ako nakakatulog sa hilik ni mister.😅
Ganyan talaga, supeeeer hirap humanap ng comfortable position. Tapos kapag nahanap mo na, saka ka naman maiihi hahahaha. Ang bigat pa naman ng katawan para magpaikot ikot sa higaan.
sakin 5mins kakaihi lang, ihi nanaman. pag natutulog naman ginagawa ko madaming unan sa gilid ko tska mataas ako mag unan kasi di ako makahinga pag mababa ung unan ko.
25weeks palang ako pero hirap narin ako makahanap ng tamang pwesto sa pag tulog. better kasi tlga left side ang pagtulog para proper blood flow & circulation
ako naman mih di ko pinroblema yung ihi pag tulog ako.. tpos matutulog ako naka left side lying, pero mas comfy sakin yung nakatihaya.
wow! naku mi di ko kaya naka tihaya di ako makahinga kala mo may nakadagan sa dibdib ko haha sideways lang ako pero hirap din umikot