Hello po. Need some advise po.
Hello. Hingi lang sana po ako ng advise. sana ma approved tong post ko na’to. Unti unti na kasi akong nilalamon ng bigat na nararamdaman ko. LDR kami ngayon ng boyfriend ko. May baby po kami. Simula nung preggy ako wala na kaming ginawa kundi mag-away hanggang ngayon na nakapanganak na ako. Lahat ng sama ng loob ko sa knya naipon at sumabog after ko manganak. Sobrang na appreciate ko lahat ng ginagawa nya para sa baby namin. As in lahat lahat. Masasabi kong best daddy sya sa baby namin. kaya lang after ko manganak, parang unti-unti syang nagiging cold sakin, hindi nya man lang ako kinakamusta. If okay lang ba ako, if masakit pa ba yung tahi ko. If may gusto ba kong kainin or something na makakapagpasaya sakin. Aminado ako lately nagiging toxic na talaga ako. Yung pagiging emotional ko, mas nadoble after giving birth sa baby namin. Mas naging kelangan ko ng atensyon nya, ng pagiintndi nya, support nya bilang partner ko. Kala ko sya yung unang magiging takbuhan ko everytime na makakaramdam ako ng lungkot, akala ko sya yung unang tao na susuport sakin para unti unti kong maibalik yung sarili ko sa dati. Akala ko sya yung unang tao na magpapalakas ng loob ko bukod sa baby namin. Kaso hindi. Wala syang ginawa kundi i down ako 😭 alam kong hirap na din sya dun sa malayo, para kasing hindi nya ko naiintindahan, nung mga time na sya yung nangangailangan ng iintindi ng tulong, hindi naman ako nagkulang, pero bakit nung ako na. Parang sa lahat ng sasabihin ko ako pa yung masama at mali, tuwing magrarant ako sa knya wala syang ginawa kundi icompare yung situation nya sakin lahat ng expectations ko mula sa kanya bilang partner ko after ko manganak eh kabilagtaran pala, plus nagkakasakit pa yung baby namin. Sobrang yung pressure na dala dala nito sakin. Nagpatong-patong na. At hindi ko na alam kung kaya ko pa ba to ihandle. Sana ma approved tong post ko na’to.