Need advice mommies

Hingi lang po sana ng advice. Nai stress ako dahil naiipit ako in between sa live in partner ko and sa family ko. Nakakuha ako ng bahay sa pag ibig with the help of my parents. Nadagdagan nila yung downpayment kaya ko nakuha pero sakin nakapangalan and ako din nagbabayad monthly. Nanganak ako last year sa first baby ko and kasama ko sa bahay ang LIP and mother ko pati 3 kapatid ko nag-aaral. Kakamatay lang kasi ni papa last year after ilang months after namin makalipat. So naistress ako kasi gusto paalisin ng LIP ko ang family ko sa bahay. Mahirap magdecide kasi more than half ng downpayment magulang ko nagbayad and tumutulong din naman sila sa bahay. Nawalan ng work ung partner ko recently pero sya nababayad ng house as our agreement na din. Ako sa gastos sa bahay like food, baby expeses and other bills. Breasfed si baby kaya di ko problema gatas nya. Patay na si papa so walang sasandalan nanay ko and may pinagaaral pa sya. Nagiipon din ako para mapalitan yung nagastos nila mama sa bahay pero di ko intention na palayasin sila. Gusto ko yung alam ko kaya na nya bumukod or if magkukusa sina mama umalis. Sobrang panget ng mga naririnig ko sa LIP ko. Kung magsalita sya parang di ko pamilya yung pinasasalitaan nya. Wala naman sya trabaho at di rin sya gumagalaw sa bahay. Alaga lang sa baby namin. Oo, may konti pera sya naitabi pero mauubos yon in 2 months na paghulog nya ng bahay. Chill lang sya at prang walang pressure na maghanap ng bagong work. In short, kuntento sya na walang work at ako ang kumakayod. Call center ako, sa umaga di ako makasleep ng maayos kasi direct latch si baby so wala talaga ako maayos na tulog. Super toxic na kasama ng partner ko. Puro reklamo sa pamilya ko naririnig ko sa bibig nya. Gusto ko mag stop magwork para makafocus sa baby pero di ko magawa kasi walang work yung partner ko tsaka baka lalo nya isumbat if sya na din gagastos sa bills sa bahay. Gusto ko sana umupa na lang and i give up yung bahay kaso walang work si mama para hulugan yung bahay buwan buwan. Ayaw ko lang talaga nakakarinig ng reklamo sa partner ko lalo na pag nagdadamot sya sa gamit namin.

18 Replies

Well first and foremost he's only a lip hindi naman kayo kasal, mabuti at nakapangalan sayo ang bahay and make sure it stays that way baka sa huli kayo ang palayasin kung nakapangalan sa kanya considering his attitude. Dont give up on the house for his sake. Hindi mo pwedeng paalisin ang mother mo, let her stay lalo na kung may na contribute naman siya sa expenses thats the least you can do for her. Kung pabigat naman sila sayo you can always discuss the expenses with her. Then after 2 months kung wala ng pera si lip siya kamo papalayasin mo lol 😂 Dont allow your lip to disrespect your mother, lalo na sa parents mo pa nanggaling halos lahat ng down payment. And never consider to stop working, lalo na ganon situation at attitude ng lip mo.

True mommy asar ako dun sa lalaki. Kainis. Hahaha. Tumaas dugo ko. Hahahaha. Anong karapatan Nia ganunin Nanay ng karelasyun Nia.walang galang

Hindi poh b ok ang LIP at ang mother moh? D poh b nia naiintindihan ung sitwasyon nio. Kc samin sa asawa ko naka name ung bahay nmin kc ofw xa ata wla aq work. Ktulong ko c mama nung nghanap kme ng bahay at nung ok n lahat at pwede n lumipat asawa ko p ngsabi n isama cna mama s bahay pra may kasama kme ksma din ung kptid ko. 6years n kme d2 s bahay at wla nmn xa reklamo kht wla work c mama ko at xa lng halos nagastos s bahay. Cgro need nyo lng poh mag usap ng maayos ng LIP mo ipaintindi mo sknya ung sitwasyon nio. Makukuha nmn poh yn s maayis n usap.

Kung ayo sayu mommy since fam. Mo naman nakihati or may ambag sa bahay. Sila ang Mas may karapatan tumira Don kasama ka hndi Yung tamad mong asawa. Tas ganyan na gusto palayasin fam. Mo e d hamak naman na since birth sila na mga kasama mo. Hiwalayan mo nalang kesa lumaki anak mo na toxic ang tatay. Hndi Yan magbabago mommy wag mo hayaan ganyan in trato sa fam mo. Kung meron man dadamay sa yu family mo yun mawalan kaman ng partner may family ka. Handa Kang tulungan hndi Yung batugan na lalaki na kina kasama mo.

Kausapin mo ng maayos yung asawa mo sabihin mo sa kanya na ayaw mo na may sinasabi syang masasama sa family mo and paintindi mo na may share yung parents mo sa tinitirhan mong bahay. Maganda rin na tanungin mo sya ano plan nya?Bat di sya naghahanap ng work. Sa panahon kasi ngayon mas okay yung nagwowork kayong dalawa para tulungan kayo sa gastos. And I suggest ko sayo wag ka magstop ng work lalo na pag walang ipon mahirap kasi umasa sa asawa

Masama ugali ng lip mo. Pag isipan mo mabuti yan, hindi pa kayo kasal ganyan na ugali what more pag kinasal na kayo. Hindi matanggap magulang mo samantalang nakakatulong naman sa bahay. Pano pag ikaw nawalan baka siya na lahat nagastos sainyo baka hindi mo na makain mga salita niya about sayo and family mo… ikaw magisip isip ka.mahirap nga yang kalagayan mo. Pero hirap mag stay sa ganyang lalake.

Please don't let your mother and siblings leave your house no matter what happens 🥺 Mas may right sila sa house na yan than your partner. Also, kung gusto ng partner mong bumukod, sya dapat ang kumuha ng bahay for your family. Please don't listen to him. 🥺

Parang super toxic naman ng LIP mo, it's up for you to decide. Kung hindi ka rin tinulongan ng parents mo, ul never get that house.Instead maghanap siya ng trabaho, he's finding faults sa family mo. Let us find ourselves partners that treat our Family well.

For me po ah. Laging sinasabi sakin ang family especially parents iisa lang yan di yan napapalitan pero ang asawa pwede since hindi pa naman kayo kasal yata kasi LIP mo pa lang sya. Ang sakit kasi sa pakiramdam kung magulag mo papaalisin mo sa bahay mo.

Mas importante ang sarili mong pamilya kesa asawa..lalo na at parents mo ang unang tumulong sa iyo para makuha mo ang bahay..Pamilya at tanging Pamilya mo pa rin ang magmamalasakit at tatanggap sa iyo kahit anuman ang mangyari.

wala na nga syang trabho mareklamo pa.. ang hirap ng ganyang sitwasyon sis.. ganyan din ako sa dati kong lip pinagdadamutan nya pamilya ko kaya d kmi nag kkasundo ayun hiniwalayan ko nalng

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles