How can i help my child communicate
Hi! Hingi lang po sana ako ng suggestions kung ano po ang puwedeng i-practice sa bahay para matulungan ang anak ko na 2 years and 9 months old na matutong makipag-usap at makipag-communicate. Kaya naman po niyang magsalita — marami na siyang alam na words, at nakakaya din niyang mag-immitate ng simple words na naririnig niya at mga actions na nakikita. Minsan rin po ay nakakasunod siya sa simple instructions. Mahilig din siyang makipaglaro at okay ang eye contact kapag naglalaro kami. Pero kapag tinatanong siya, hindi siya sumasagot kahit alam naman niya ‘yung sagot (like ano gusto nya milk or water, or yes or no). May schedule na po kami sa developmental pedia pero sa November pa, kaya habang naghihintay, enrolled muna siya ngayon sa isang therapy center for ABA therapy. Baka po may ibang parents dito na may similar na experience at makakapag-share ng puwedeng i-try sa bahay para mas ma-encourage siya makipag-communicate. Open po ako sa kahit anong tips or activities na proven n’yong nakatulong. Salamat po in advance!