Preggy mom

Hindi talaga maiwasan na mapraning kakaisip if okay pa ba si baby sa tyan. Sabi nila wag isipin pero mapapaisip ka talaga lalo na if first time mom ka. Hindi mo alam if okay lang ba yung ginawa mo or hindi. Gusto mo na lanh pumunta nang pumunta kay ob para macheck si baby kaya ending wait ka lagi ng 1 month tapos kapag okay naman si Baby, tsaka ka makakahinga malalim.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan naman talaga mi lalo na kung nanunuod ka madalas sa socmed kahit sa tiktok lang tapos makakapanuod ka ng mga failed pregnancy.. ang mangyayari mag ooverthink ka ng Malala... alam mo mi Anu ginawa ko nung buntis ako? bumili ako ng Comfort Cross tapos may ininstall ako Bible with everyday prayer sa cellphone ko.. dahil dyan nawala mga nega na naiisip ko kasi alam ko na di kami pababayaan ni Lord.. hanggang manganak ako hawak ko yan comfort cross bago ako ipasok sa operating room (CS ako).. Alisin natin lahat ng mga nega kasi Lahat ng nararamdaman natin at naiisip nararamdaman yan ni baby . di ko sure kung Catholic ka Mii shinare ko lang sayo kung Anu yung ginawa ko nung nagbuntis ako para puro positive lahat ng nararamdaman ko.. Godbless

Magbasa pa
Post reply image
2y ago

skl din bukod sa comfort cross nakikinig din ako nito: https://youtu.be/OP-00EwLdiU Oceans by Hillsong Godbless po🥰