Preggy mom

Hindi talaga maiwasan na mapraning kakaisip if okay pa ba si baby sa tyan. Sabi nila wag isipin pero mapapaisip ka talaga lalo na if first time mom ka. Hindi mo alam if okay lang ba yung ginawa mo or hindi. Gusto mo na lanh pumunta nang pumunta kay ob para macheck si baby kaya ending wait ka lagi ng 1 month tapos kapag okay naman si Baby, tsaka ka makakahinga malalim.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan naman talaga mi lalo na kung nanunuod ka madalas sa socmed kahit sa tiktok lang tapos makakapanuod ka ng mga failed pregnancy.. ang mangyayari mag ooverthink ka ng Malala... alam mo mi Anu ginawa ko nung buntis ako? bumili ako ng Comfort Cross tapos may ininstall ako Bible with everyday prayer sa cellphone ko.. dahil dyan nawala mga nega na naiisip ko kasi alam ko na di kami pababayaan ni Lord.. hanggang manganak ako hawak ko yan comfort cross bago ako ipasok sa operating room (CS ako).. Alisin natin lahat ng mga nega kasi Lahat ng nararamdaman natin at naiisip nararamdaman yan ni baby . di ko sure kung Catholic ka Mii shinare ko lang sayo kung Anu yung ginawa ko nung nagbuntis ako para puro positive lahat ng nararamdaman ko.. Godbless

Magbasa pa
Post reply image
2y ago

skl din bukod sa comfort cross nakikinig din ako nito: https://youtu.be/OP-00EwLdiU Oceans by Hillsong Godbless po🥰

hala same here po 🥹 firstime ko lang din po and 22 years old mag 23 sa july ngayon 17 and 3days na ngayon lagi ko pinapakiramdaman kung may sumisipa pero wala naman huhu basta ramdam ko lang lagi akong busog tas napapansin ko na lumalaki din tiyan ko pero bukas naman ultrasound kk kaya malalaman ko kung may heartbeat paba 😅 sprry dami ko kasinh naiiisip eh tapos di mo rin alam ano mga kakainin na talagang healthy

Magbasa pa
2y ago

aww thankyou po mag 18 weeks narin po kasi ako yung iba po kasi dito wala pa sa 17 ramdam na yung knila 😅

VIP Member

Yup lalo ako non mi nakunan ako nung una. Kaya sa 2nd pregnancy ko grabe anxiety. Pero pilitin mong maniwala na okay ang lahat. Pag hindi ko kinakaya anxiety non nagpapa ultrasound ako para makita ko si baby. Saka buti nalang malikot si baby non, konting pindot sa tyan gumagalaw sya. Pray mi. Everything will be okaaaay 🥰

Magbasa pa

Same momsh kaya ang ginagawa ko parang normal na routine nalang sa araw2x pero may halong ingat padin. I also stopped watching and reading article about sa mga complications ng pregnancy kase dun ako lalo napaparanoid. Dko din pinapansin mga pamahiin ng matatanda makakadagdag isipin lang yun sakin.

ang ginawa ko po nag papacheck up ako 4x a month. May monthly check up ako sa center, 2 lying in clinics at 1 ospital. Bale 1 check up kada linggo para iwas pag aalala at para mamonitor ko din HB ni baby. Samahan mo na rin po ng dasal araw araw.😊

same simula nong nakakabasa ako ng mga post sa facebook na nawawalan daw ng heartbet baby nila sa tiyan parang nag aalala din ako if ok ba baby ko sa tiyan ko, lagi nalang malalim iniisip ko

ftm here. nakakapag alala talaga kaya i always end up praying. kahit ano mangyari tiwala lang kay God. naniniwala ako na everything happens for a reason

Me ftm at mg 36 yrs old na ako sa june 8, 34 weeks n now at nakunan din ako 2yrs ago akala nmin ndi na kme mgkaka anak

buy fetal doppler, use on 16 weeks onwards para lagi mo mamonitor heartbeat ni baby :) iwas praning po. 😊

2y ago

safe po sya as long as marunong ka gumamit. may iba kasi di po alam pinag kaiba ng tunong ng placenta vs heartbeat ni mommy vs heartbeat ni baby. and pag gumagamit po ng doppler yung part na may monitor ilayo po sa tummy for safety purposes, un iba po kasi pinapatong dn sa tummy un mismong monitor, e usually dun nanggaling un hea of some sort since andun mismo un battery. un mismong detector lng dapat un nakadikit sa tummy. and you wouldn't need it as much once nafifeel mo na movement ni baby 😊

ganyan po talaga.. tiwala ka lang sa Panginoon at kay baby.