.....
Hindi sa pag-aano pero nakaka-buwisit 'yung ibang new member dito. Na naging member kasi magtatanong pa'no magpa-abort, etc. Akala n'yo makakakuha kayo ng sympathy rito? Sorry, hindi! ? Mas lamang ang mga nanay na user dito na mahal mga anak nila. Sobrang nakakahiya kayo. Na nakakaawa rin. Isipin mo ba naman, 'di ka pa pala ready maging ina. Sobrang laki ng responsibilidad 'pag nabuntis ka na. Mas lalo na 'pag nanganak na. Bwisit kayo! Hindi na kayo bata! Ang sex ay para sa mag-asawa lang! Oo. Nung una kinamumuhian ko 'yung mga taong mas nauuna pa ang anak kaysa kasal. Pero paglipas ng panahon, natutunan ko rin silang mahalin at i-appreciate. Kasi mas masahol pa pala 'yung mga nagpabuntis na 'di naman pananagutan