Just sharing.. maiba naman... Thankful sa biyenan! ☺️

Hindi nman lahat ng biyenan eh kontrabida sa buhay natin... Thankful ako sa biyenan ko kasi sobrang equal nya sa lahat ng anak nya.. pati sa mga apo. Lagi syang naka suporta and maasahan pag kailangan ng tulong. Nag sisimula pa lang kaming mag asawa nag hanap kami ng apartment nung nakahanap kami di na kami namroblema sa 1month advance and 2 mos deposit sinagot na ng parents ni hubby. And maging sa gamit ng baby ko.. halos ung barubaruan lang ang nabili ko the rest galing sa kanila pati mga crib and rocker. And hindi tlga nag sabi ung hubby ko na ibili nila si baby nag chat nalang samin na wag na kmi bumili kasi binili nya na ng gamit si baby.. sobrang laking tulong dahil ang mamahal din ng gamit ng baby sobrang pinag iisipan ko muna bago bumili. Hindi nman sobrang yaman ng parents ni hubby pero malakas pa and may work kaya natutulungan kami. Currently 39 weeks and 2days na ako no sign of labor pa din.. ako po ung nag positive sa Covid and nag hohope na mag negative na ako next swab. Ang sarap lang sa feeling despite lang ng mga negative na nangyayari sakin napapagaan ung loob ko nung nareceive ko mga pinamili nila.. #1stimemom

Just sharing.. maiba naman... 
Thankful sa biyenan! ☺️
56 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sana all nlang ako mumsh..😅 pro maswerte nmn ako sa isa kong sister-in-law🥰 have a safe delivery po mumsh😊

Magbasa pa

same here wala akung nabili para kay baby lahat byanan kung babae bumili.. napakasupportive lang nila talaga.

sana ganyan den byanan ko namomoblema pa kami sa gamit pambili ni baby hays sana all nalang momshie 😇

happy for u momshh❤😘..masarap tlga na my gnyan na in laws. Godbless sa inyo❤💙😇

SAME. Abg mamahal pa ng mga binibigay. Nakakahiya tuloy bilhan ng mumurahin si baby 😅

mapapa sana all ka nalang talaga sa bait ng mga in laws mo. get well and god bless🙏

sana all. smen kami pa lagi hinihingian. galit pa pag di ka nagbigay. 😂 hahahahaha

VIP Member

isang malaking sana oll hahaha ung biyenan ko kase puro hingi pera hahaha

Maiituturing din swerte ako sa in laws ko..hindi nga lang kmi close..

Wow sana all ang mGa in laws ko kulang ang utak.