Hindi naman ako pala-kain ng maaalat at pala-inom ng mga softdrinks and juices. Super iwas ako sa mga yan kahit sa matatamis. Pero kahapon, May 18, nagpacheck-up ako at lumabas sa U/A ko na may UTI ako. Hindi na din ako binigyan ng antibiotics kasi mild lang naman daw. Sobrang taka ko kasi matakaw naman ako sa tubig to the point na lagi pa ngang may yelo ang tubig ko kasi napakainit dito sa amin. Kaya nagtataka rin ako nakaraan parang sumasakit yung pempem ko bigla. Akala ko nga manganganak na ako. Possible ba talaga magka-UTI ako mga mommies kahit hindi naman ako kumakain at umiinom ng mga nakakapa-UTI? May weekly supply pa ako ng Buko galing sa farm namin nyan. Hindi naman masakit pag umiihi ako. Paano po ba to?