Help :( Take Time To Read Need Your Advices

Hindi ko po Alam kung Tama paba ito o ako ba ang mali.. Dahil Lang sa pag bubuntis Kaya ko naiisip to nanakakalungkot. 4 months pregnant po ako sa boyfriend ko.. Fam nya nag fifinance ng lahat check up ang all that shit. Sa knilang bahay din ako nakatira dalawa lang kmi kasi parang office Nila tong tinitirahan nmin.. Eto po ang problema Everytime na gigisingin ko sya like sa Umaga kahit mga 10 am na (it happened nanaman ngayon) kahit pa lambing naman ang gising ko sa kanya kasi nagugutom nako talaga e ako mkaabili ng satili Kong food kasi required ng Dr. Na mag bedresyt Lang ako cause of low lying placenta. Galit na galit sya lagi pag gigising like diko na daw sya pinatulog ng maayos.. Lagi nadaw ako.. Sinisigawan nya ko dinadabugan galit na galit.. Pero Maka lipas minutes okay na sya ulit. Problema Lang ay pag gigisingin. Hindu ko po ql kung Tama o mali ba Yun.. Paano ba ang gagawin ko? :(

59 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

May moment na ganyan sila lalo na sa hubby ko 3am pasok niya hapon na uwi niya mga 6pm antok na siya e iyong dinner namin mga 8pm ginigising ko siya kasi ilang din ako sumabay sa inlaws ko na wala siya minsan naiinis din siya kasi parang nakuha na niya tulog niya e hindi rin kasi natigil parents niya na hindi siya kumakain kaya no choice din siya pero pag ginigising ko tlga siya may moment na sinisiko niya ko pero di naman para saktan ako then one time napuno na ko kasi sabi ko alam mo naman situation ko hindi pa ko super close sa parents mo hindi ako kakain hanggat hindi ka rin kaharap kasi mausisa nanay niya e kung anu-ano tanong lalo kapag ako lang kaharap ayuko pa naman ng ganun so un nga kinausap ko na siya about dun nag sorry naman siya sinabi niya na sobrang pagod lang tlga at hirap na bumangon kapag malalim na ang tulog kaya ginagawa ko din kapag gising siya pabili ako madami food nandito lang sa kwarto then may tubig ako para kahit di kumain ng kanin may nakakain ako at nakain din tlga ako kapag nagutom.

Magbasa pa

Medyo relate ako. Yung husband ko, ayaw din niya na ginigising siya sa tulog niya. Night shift siya tapos pumapasok pa sa law school sa umaga kaya sleep deprived siya kaya iritable siya pag ginigising. What we did is we compromised at nagdecide na mag grocery ahead of time para may stock nalang kami ng food sa ref na pwede lutuin anytime na magutom ako. Effective naman siya kasi kahit hindi ko siya gisingin, nakakakain ako on time. Siguro mommy mag usap kayo kung panong set up ang gusto nyo. Pwede naman na bago siya matulog, mamili na siya ng pagkain mo and pwede mo initin anytime na magutom ka. :)

Magbasa pa

ahm un asawa ko hirap dn ako dun pag gnigcng ko un.. kaya cgro nagagalit cla kc naputol un sleep nla pero nothing personal kng baga.. since sabi mo naggng ok naman xa after. suggest ko po kc pansin ko gutumin taung mga buntis, pag mamimili c bf mo un pang matagalan n fud supply na un pabuy mo, cgro aabot gang sa next n pamimili nya. para may pantawid gutom ka till magcng xa at ready ma xang magcook ng heavy meal.ibat ibang type ng fud pabili mo much better un healthy para dami k choices. explain mo n dn un kalagayan mo just incase hndi clear sa knya na baka mapanu ang baby if gagalaw k lagi.

Magbasa pa

hi.. ganyan talaga tayong mga buntis napaka sensitive natin dahil sa preggy hormones natin. ganyan din ako dati pero narealize ko po buntis lang ako pero normal parin akong mag isip hindi ako masyado nagpapababy noon sa mister ko kasi alam kong nasa adjustment period pa kami. makikita mo naman ang pagbabago niya paglipas ng mga bwan, bgyan mo lang sya ng time na mag sink in sakanya yung situation nyo ngayon. keep on praying and ask for God's guidance. appreciate the little things na nagagawa nya and parents nya for you like pagpapacheck up fees and all. 😊 hope this will help.

Magbasa pa
6y ago

Thank you. Lagi nga ako nag pa pray minsan umiiyak ako sa banyo na nag ddasal kasabay kasi ng hirap ng pregnancy Yung stress pa na na bibigay nya..

sha mag adjust, haha hndi ikaw oo nkakainis but he has to suck it up, ur preggy, and same tau ng ka low lying placenta literal n bed rest, so as a partner obligasyon nya un, d lang nman or sau yan . pr s baby, wag k pgutom mamsh look at me ang liit ng baby ko.. kya ngbabawi ako kain ngaun.. mg grocery kau mag stock kn ng foods so pag mnaan d m n sha gisingin mag luto kn lang then u need snacks, bread pag ngutom anytime. 😊😊 take it easy, talk to him as well tell him nssktan k s gnung reaction, they cn call us sensitivw but bein preggy is tough.. so wala tau sala

Magbasa pa

Asawa ko never nagalit sakin yun paggigisingin ko siya. Ang ginagawa kasi namin, nagstock na kami dito sa bahay ng food pangbreakfast. Kung di man kami magsasabay kumain, meron akong maluluto or makakain kahit ako lang muna mauna. Saka kung late na siya nakatulog, di ko na muna siya gigisingin o kaya sinasabihan niya din ako kung late ko na siya gigisingin. Baka sis, kulang pa sa tulog si bf mo or puyat siya kaya ganon. Usap nalang po kayo para alam niyo gagawin next time. O kaya gabi palang pagusapan niyo na yung aalmusalin niyo or what.

Magbasa pa

Ganyan din asawa ko. Dahil night shift siya at pagod pa siya sa byahe, ayaw niya talaga ginigising siya. Good thing may mga stock kami ng food sa bahay kaya pag gising ko kakain na lang ako. Hinahayaan ko siya matulog, nagigising naman siyang kusa sa alarm clock niya. Staka pag dating sa check up ko, talagang nag aadjust siya na kay lang off siya sa araw na yun. Lalo na ngayon weekly na check up ko. Payo ko sayo, mag usap kayong dalawa. Mee halfway. Hindi kc matatapos yan kung hindi niyo pag uusapan.

Magbasa pa

May mga ganyan talaga na badtrip talaga pag napuputol yung tulog. Ganyan din ako mommy, seryoso di yan napipigilan minsan pero nakakakunsensya pag nahihimasmasan na. Ang gawin mo momsh magstock ka na ng food niyo sa house para pag nagutom ka nakakain ka na agad kahit disoras pa ng gabi, bad for you and baby din kasi magpalipas ng kain talaga. Kausapin mo din si bf, mamamanage naman niya yan nasa tamang paguusap niyo lang yan. Magset kayo ng schedule para mas organized 😊

Magbasa pa

Yung asawa ko may times din na naiinis pag ginigising ko dahil gutom ako kasi galing sa tulog, pagod, antok..intindihin mo na lang po. Sabi mo naman after ilang minutes ok na sya. Naiistorbo lang ata talaga sa tulog masakit pa naman yan sa ulo. Gawin mo po lagi ka na magtatabi ng makakain mo at tubig para pag mga ganhang sitwasyon di mo na sya kaioangan gisingin. Ganyan po kasi ginagawa ko..kahit san ako pumunta lagi na ako may pagkain at tubig sa tabi😊

Magbasa pa

Kausapin mo po sya. Sabihin nyo di nyo naman sya gigisingin kung kaya nyo magisa bumili ng food nyo e. Isama nyo sa sa check up nyo, para alam nya ang bawal sainyo and mga sinasabi ng OB nyo para magkusa sya. Mahirap mastress ang buntis. Kaya hanggat maaari iwasan. Kung malawak pagunawa nya and naiintindihan ka nya, maiisip nya na may epekto sayo yung pagkainis nya sayo. Communication lang po ang sagot dyan mamshi. 😊😊 Stay safe kayo ni Baby and Pray.

Magbasa pa
6y ago

Maraming salamat sa pag answer. :( oonga e parang napaka isip Bata pa nya. Tapos gusto pa kami ipa kasal... Pero parang ayaw kopa dahil s a ugali nya.. Dadala dalhin ko Yun hanggang kasal kami. Ang hirap hirap.