MIL issue. (Medyo mahaba)
Hindi ko naman pinagdadamot anak ko, ayoko lang talaga lumabas ngayon at mag gagala kung hindi naman importante, panay naman video call namin sa messenger kung hindi ako busy. Yung baranggay namin is belong sa HIGH RISK area, yung baranggay naman ni MIL belong sa VERY HIGH RISK. Walang lockdown dito sa city, per brgy lang at kung belong sa very high risk area ang street kundi pinapa-avoid lang ni mayor papuntahan lalo na yung mga labeled areas. Si mister kahit sandali lang sa labas o may nakalimutan naliligo talaga sya pahkauwi bago humawak kay baby o pumunta ng kwarto kasi mahirap na galing sa labas, frontliner pa naman din. 8 months pa lang si LO kaya hindi ko magets byenan ko bakit gusto nya kami pumunta sa kanila kasi miss nadaw nya apo nya e marami nang positive sa lugar nila. Twice na ako tinanong when daw sila makapunta dito sa bahay, sabi ko naman after this pandemic nalang po. (Galing kasi sa labas, papaliguin ko ba din sila para makapasok lang? Hindi ko alam sino nakaupo sa taxi na sasakyan nila tapos uupo sa kama namin kasi kahit kami ingat din sa sasakyan na ginagamit ni mister sa trabaho, disinfect lagi lalo na kung need namin pumunta sa vaccine ni baby) Marami din kasi sila doon kahit sino lang hahawak, ayoko din pumunta muna kasi last time nung 4mos pa lang si LO bumisita kami after nya gumaling sa rashes from kisses na sila lang din dahilan pina check up pa namin nagsusugat na kasi yung rashes tapos ang laki sa pisngi. Advised samin na di muna pahalikan talaga si LO, alam nila yun. Yung pauwi na kami, umihi ako saglit so pinahawak ko sa kanila muna, ang bilis ko nakabalik e nahuli ko pinanggigilan yung mukha yung kuya nya naman alam na may ubo at sipon hinalikan din si baby. Wala akong nasabi, kay mister ako nagalit pagkauwi namin parang ba natrauma din ako. Tatlo na apo nya sa kanila doon nakatira, ikaapat itong anak ko sya lang nahiwalay. Si mama ko nga mismo ayaw umuwi samin kasi ayaw nya mapano si baby ko, kung pwede ayaw nya ako gumala din muna ngayon kasi nga sa sitwasyon natin pero bakit ako pa masama ngayon na umiiwas lang ako mapano si LO. Masama ba ako?