Depression amd Anxiety
Hindi ko na po kaya yung bigat na nararamdaman ko wala po akong mapagsabihan gusto ko nalang mamatay mag 18 palang po ako and buntis ako panganay po ako and nag iisang babae hindi ko po alam kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko yung sitwasyon ko lagi din po akong stress dahil sa bf ko wala man lang akong makuhang support galing sakanya at sobrang sakit pa sa ulo di ko na alam kung anong gagawin ko?

Hello, share ko lang. Im 19 and currently 25 weeks preggy hehe. Ganyan na ganyan ako noon nung nalaman kong buntis ako. Nag iisa rin akong babae. And meron akong 3 kapatid na lalake. Second child ako. Sobrang nafifeel kita ngayon, takot na takot din ako ipaalam sa parents ko non so i decided na iopen muna sa pinsan ko. Makakuha lang ng suporta. Luckily tinanggap ako. Next step ko noon, sinabi ko sa kuya ko and tinanggap din. So nakakuha na ako ng suporta para sabihin sa parents ko. Ang laki ng expectation nila saakin kase kuya ko grumaduate ng my latin honor, so they wanted me to do the same but i failed them. It took me couple of months para masabi sa parents ko. At first galit sila. Yes, given na yon. Pero lilipas din yon. Ngayon masasabi kong okay na lahat ☺️ shinare ko yan para sabihin sayo na you'll get through this sis. Magpakatatag ka for your baby, wag ka masyado mastress ha? Step by step mong sabihin sa buong family mo. And always pray. Sobrang helpful niyan 🤗 you'll be fine sis, malalagpasan mo rin to tulad ko. Aryt? Blessings ang mga baby. I wish u all the best and I'll be praying for you and your baby as well.
Magbasa pa

