Hindi ko na alam gagawin ko. ? nasstress nako dahil hindi pa rin humihilab tiyan ko, everday nag walk and exercise naman ako. Bukas na due ko pero parang wala pa rin improvements. Napakahirap pang magpa check up ngayon dahil hindi na tumatanggap ang mga lying-in, kung hospital naman ang hirap makipagsapalaran dahil sa virus na yan. ? Hays. Ngayon napabalita pang mageextend ang ECQ! Kawawa naman yung Team April dyan worried tayong lahat. Huhuh.
PS: * brownish discharge
* false contractions (nawawala din agad ang paghilab)
Yan palang mga nararamdaman ko. ? Any tips mga momsh for my delivery? Kung hindi, CS nako neto! ?
Lord help us po! ????
Anonymous