Ako din naging libangan ko na din itong app na to. Di ko na nga alam kung paano/san ko to nalaman e. Bukod sa makakuha ka ng tips marami ka din matutunan lalo na pag ftm kagaya ko. Kase ako sovbrng blessing neto hindi ko ineexpect, matagal ko ng gusto magkababy non iniinggit pa nga ako ng mga pinsan ko masarap daw pag nagkababy, minsan nga lang di maiwasan maging pasaway bata e. 🤣 Parang nawalan nako nun ng pag asa ewan feeling ko kase di nako magkakaanak nun kase irreg ako tapos mababa matres. Tapos hanggang sa delayed ako ng 1 months 2 weeks hindi ko pinansin kase pinakamatagal kong delayed e 2 months, pero nagppt padin ako nun puro negative hanggang sa eto nga dumating sa point partner ko na nagsabe magpt ako di ako nagexpect tapos ayun positive. Hindi ko malaman irereact ko totoo ba to sa wakas. Pero nung time na yun kakapromote lang saken pero mas pinili ko padin si baby kase first baby ko e. Kasali pako sa sayaw sayaw kaya pala lagi ako nahilo nun preggy na pala. Btw 29 weeks and 5 days preggy. Excited na kinakabahan. Kaya yungnl nagiisip/magiisip ng abortion jan please wag nyo ng tangkain yan ang pinakamagandang blessing mula kay god kaya accept it. Isipin nyo na maraming gustong magkaanak. Skl. 🥰
1st of all, ang di ko magets. bakit mo iinstall ang parenting/pregnancy app kung isa kang kupal na may balak mag palaglag, at magaling lang mag patira tas sasabihing di ready. Nang totoxic lang sila sa app na to. sasabihin hihingi payo, need kausap, in the end sabihin nag mamalinis, perfect. etc.etc. Gaga pala sila eh, sinong nanay, nanay to be, ang papaboran ung gusto nila mabasang opinion o comment. Hello? baby is a blessing. tska ginawa tong app para mag share ng mga experiences makapag ask ang ftm, sa mga mommies na, mag ka baby tracker, makita list ng safe meds foods, what to do when pregnant etc. recipe. good vibes lang, d ung makakabasa ka. anu po gagawin ko ayoko tlga mabuntis parang ayoko ituloy di ko alam sasabihin sa parents ko ayaw ng bf ko. sana kasi maging responsible. Kami din naman ng bf ko, mapusok, maaga nasabak sa make love. pero maingat kami. kasi alam namin kami mahhrapan nag aaral pa kami non. nasa pag cocontrol kasi yan. tapos pag nabuo ayaw nyo. pero sarap bumukaka ano? Hays, kaka triggered. 😂 Sarap lang gusto ayaw hirap.
Oo ako din pag bored ako dito ako nagttambay basa2 lang nakakatuwa kc yung mga post dito about sa baby nla na nkaraos na cla or mga baby bump nla. ilang beses din ako naka encounter ng gnyan kadalasan mga studyante pa. yung isa nga sinabi nyang unwanted pregnancy, aba tanga, mapapamura ka nalang tlga. nakakagalit mga gnun di nalang sana sumali sa app na to kung gnun lang naman ang eppost nila. dios ko, di nag iisip puro pasarap lang patirik ng mata, ganern.
20 years old, kolehiyala, tumigil sa pag aaral dahil nabuntis. Pero hinding hindi ko pinagsisihan na nag bunga yung karupukan ko. I'm happy and excited as well dahil magiging ina na ako. Hindi lahat nang babae na bibiyayaan ng anak. Kung nadapa ka bangon lng ang mahalaga natuto ka😊 panindigan ang iyong responsibilidad. Marami pang pagkakataon para mka pag aral ulit.
Momsh, everytime may nababasa ako about abortion, si baby ko sa tummy nag kikick. Nagpakitang gilas na active na active siya, pwera usog. Hayy sana naman wag sila dito magkalat ng lagim lalo nat madami kaming mga mommies dito na trying hard mag bedrest para lang ma complete term baby namin. Lord, please guide us. Madami din pala masamang elemento dito.
Meron pa nga nagcocomment na andami daw nagmamalinis dto sa app na to. Malamang eh parenting app to tutol lahat sa abortion. Mga abnormal eh. Minsan sis nakakagigil. Ako, libangan ko pa naman din magbasa dto lalo na FTM ako madami ko natututunan pero madalas nakakainis yung mga post about sa abortion tapos yung gender ng baby nila ayaw nila maryoseo
Naku momsh! Itong week na ito may anonymous nga na post ng post na-rape tapos after 3 years nabuntis siya nung nakarape sa kanya.gusto ipalaglag kasi nag aaral pa daw.sumunod may medical condition daw pero na nabuntis. Gusto din ipalaglag. Nakaka henet ng ulo pag ganyan mga mababasa mo.
Im only 16 years old. Pero never kong inisip ipalaglag baby ko. Kahit sobrang demonyo nung tatay neto. Bumukaka ako,paninindigan ko. Wala namang kasalanan ang bata bakit kaylangang ipalaglag. Marunong kang bumukaka pero pagnandyan na tatakasan mo. Jusko.
aq rin libangan q mgbasa2 dto.. pero buti di aq nkaencounter ng mga ganyan or nabasa na mga ganyan.. sainyonq lng nalaman na may mga pedophile na pla dto.. tambayan q pa nman to.. ang sad lng kc wlang respeto mga ganyang tao sa kapwa dto..
Mukhang nang aasar na lang yung ibang nagpopost, paulit ulit na lang eh iisa lang din kinakatwiran nila. Halatang nag eenjoy na mang-stress ng ibang tao. Di ko na pinapansin hehe. Report na lang tapos hide post. :)
Anonymous