Early Pregnancy
Hindi ko alam kung ako lang ba nakakaramdam nito as a first time mom. I am only 20 years old, and yes maaga ako nabuntis o magkakaanak (judge nyo ko kung judgemental kayo) kakagraduate ko lang sa college nung nalaman kong buntis ako, 3 months ang tiyan ko sinabi na agad ng bf ko sa parents ko na buntis ako, sya mismo humarap at nagsabi kila mama at papa dahil hindi ko kayang sabihin sa harap nila. Sa awa naman ng Diyos natanggap nila mama agad agad at hindi sila nagalit, kahit anong masakit na salita ay wala kaming narinig sakanila kaya napa swerte ko kasi sila naging parents ko. Kaya ako nandito ngayon at need ko ng advice kasi ang daming pumapasok sa utak ko, everytime kasi na don ako mag stay sa bahay ng bf ko naiiyak ako kasi alam kong mamimiss ko ang parents ko at mga kapatid ko, dahil hindi talaga ako sanay na malayo sa kanila at hindi kami sanay na may malayo saamin dahil ako pa lang ang unang unang mag kaka pamilya. Nahihirapan talaga akong mag adjust dahil hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang nangyayari sakin to. Hindi ko kayang malayo sa family ko lagi ko sila naiisip sobra, lagi ko sila namimiss😢kahit hindi nila ipakita na nalulungkot sila pero alam kong sobrang nalulungkot sila everytime na don ako mag stay sa bf ko (minsan don ako nag stay sa bf ko, minsan saamin)at alam kong pag nanganak na ako don na talaga ako titira sa bf ko. Hindi pa ako handa na malayo sakanila, sobrang mahal na mahal ako ang family ko😢palagi kong iniisip na imbis makasama ko pa sila ng matagal sa bahay at makatulong sakanila hindi na mangyayari kasi mag kakaroon na ako ng mga priorities. Iba na kasi pag may anak na, iba na ang priorities. Aaminin kong may pagsisisi ako sa nangyayari ngayon pero alam kong wala akong magagawa dahil andito na to. Pero never naman namin pinabayaan ang baby sa tiyan ko, sobra naming mahal na mahal ng bf ko ang baby naman at excited na kami.
Got a bun in the oven