35 Replies
Naisip ko narin yan nung naka apat na pt akong puro positive kasi di pa ako handa, Since nag aaral pa yung nakabuntis sakin at ayaw sakanya ng family ko. Pero di ko ginawa kasi naawa ako kay baby, naalala ko nung bata ako excited ako magkababy since only child ako pati aso namin ginagawa kong baby. Oo di nga sya tanggap ng family ko agad. Infact Pinalayas din ako, pero ngayon sila tong tanong ng tanong sakin kung malaki na tyan ko o kamusta na pagbubuntis ko. Sa una lang yan. Tandaan mo anak mo yan. Sino pa ba magmamahal sakanya kundi ikaw lang.
Mommy baka 8mg dosage ng aspirin? If ganyan yung dosage niya eh safe naman po siya for preggy, baka pinrescribe po siya ng ObGyne niyo to prevent pre eclampsia or baka may blood clot ka sa loob ng uterus mo na gustong tunawin ni doc. Nagtake na din po kasi ako niyan 1 tablet/day for 1 week nung nadiagnose na may SCH. If maintenance mo yan because you have medical problems prior to your pregnancy eh much better po to consult your doctor first before taking any. Better safe than sorry.
Aspirin po ay pampalabnaw ng dugo and ung iba they use it for abortion,mgpray ka Sis na walang effect kay baby un nd humingi ka ng tawad kay God and sa baby mo.Ndi nagrerecommend ang kahit na sinong doktor na uminomang pasyente ng 8 tabs nun dahil alam nila effect nun sa tao.
Kung gusto nyo ipalaglag yung baby wag kayo dto magkalat kasi hindi para sa inyo tong platform na ito, kahit na ano pa dahilan nyo d justification yun para ipalaglag nyo ang bata. Npakaklaro not for theapeutic treatment yang pag inom nyo.
hello ako po im taking aspirin once a day after Lunch . para po yun sa pamumuo ng dugo since hypertensive ako. Plus may for HB din po ako methyldopa 3x a day. Pero 8x a day po na aspirin? super HB ka ba mommy? parang di naman po ata normal yon.
ako sis binigyan ng aspirin ng ob ko. pero 1tablet a day lang. di po tayo pede sumobra sa 1tablet. makakasama. pag prescribed ni ob yan, ang tanong bakit 8 po? sobra sobra na yun sis. saka ano dahilan para sa 8 aspirin???
Nag attempt ka ba mag abort? Walang doctor na nagpreprescribe ng 8 aspirin tablets in 1 go. At most is 4 sa mga naheart attack. If you did take 8 tablets and di ka nakunan pagpray mo na lang na okay ang baby mo.
May prescription kba bago mo in take yang gamot? Dapat inuna mo magtanong bagobka uminom. Pero meron dto sa app, pwede mo tignan qng safe yang gamot na yan during pregnancy. You can check it out now.
ikaw ba yung nagpost ng planong ipalaglag ang baby. wag muna ituloy sis maawa ka. sana hnd maapektuhan baby mo sa pag inom mo.
Prescribe ng OB ko na magintake ako ng aspirin once a day. Pero ung ganyan kadami, ay nako. Pacheck ka na po sa OB mo.