Unplanned Pregnancy

Hindi ako dinatnan ngayong buwan, nag-pills naman ako, nag-PT at positive, may mga pregnancy signs ang symptons. Unplanned pregnancy kasi kaka-3 years old pa lang ni bunso nung September. 10 years agwat nila ni panganay. Hindi pa ako handa ngayon kasi ini-enjoy pa namin si bunso, minsan naiiyak ako kasi baka magtampo pag may bagong baby na. Financially din medyo tagilid din ngayon. Need help?

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Siguro medyo in shock pa kayo sa balita, kasi unplanned nga pero give it some time to welcome the idea. 3yo na rin naman si bunso, maiintindihan na nya yan ☺️ Mahahati man ang oras mo with a newborn but the love you can give to your children can't be divided, only multiplied ☺️ Mas problemahin nyo na lng po yung financial aspect. Ngayon pa lang, iyan na ang planuhin nyong husto na mag-asawa. Hulugan na ang mga dapat huluhan na sss at philhealth. Stay healthy para iwas complications. Nandyan na yan kaya kailangan talagang gawan ng paraan. Mahirap tiyak pero kakayanin nyo yan ☺️ Hugs to you and don't forget to pray...

Magbasa pa

bakit need help? ano ba gsto mo sabihin sayu dito wag mo ituloy pagbubuntis mo? kahit unwanted yan blessings pa rin yan at nanjan na. wala na ibang magagawa jan. buo na yan at once magpacheck up ka magkakahb na yan may buhay na. mainam na tanggapin niyo nlng. hndi nmn nagtatampo ang mga bata na nasa 3 yrs old dhil mahilig din yan sa mga baby. at dpat para walang tampuhan pantay ang tingin sa bawat anak walang paborito. palaging iexpect kapag nagsesex kayu at kahit nagpills may chance mabuntis kung pinagpala tlaga sayo. Plano ni lord yan. kaya maging happy nlng sa bagong baby.

Magbasa pa
12mo ago

Need advice, di ibig sabihin di ko itutuloy..

It's a blessing momsh, kahit unplanned binigay sau ni God yan with a purpose and 3 years old naman na si baby kausapin mo lang sya unti unti about having a little sister or brother ihanda mo sya. and financially may mga public hospital na wala naman bayad manganak may mga nilalapitan din sa ospital para wala ka tlaga bayaran. asikasuhin mo philhealth and sss mo. Better watch na ng mga tips and tricks para makatipid ngayon nagbubuntis ka. Blessing yan momsh and isa ka sa pinalad ngayong taon na magkaroon ng baby. Congrats to you.

Magbasa pa

pills talaga laging may lusot yan safe family planning talaga depo or implant pero andyan na po yan mhie need na tanggapin at magadjust na....

Acceptance at mag maternity notif na sa SSS at magbayad agad ng maximum pra sa 70k na matben.