Hi Mommies! pahinge po ng advice about sa kapitbahay namin. Working parents po kasi ang mga parents ng kapitbahay namen. Laging na iiwan ang tatlong bata. Ages 10,2, at 1 all boys po sila. Yung panganay kasi mabilis magalit lagi nyang pinagmumura mga kapitid nya minsan sinasaktan may kasama namang yaya pero di nakiki alam kasi sya naman aawayin nung 10 yrs old. Sobrang concern po ako sa mga bata kasi baka umabot sa point na may ma disgrasya na. Ang problema po kasi yung Nanay nila nagagalit pag sinusumbong ng ibang kapitbahay my ung nangyayari sa anak nya. nakikialam daw sinabihan nya pa na "ikaw nalang mag bantay sa mga anak" ano kaya pwede kung gawin. Kawawa pag naririnig kung nag iiyakan yung mga bunso tas yung kuya nila panay mura sa kanila. kahit yung isa lang ang pinagagalitan umiiyak na din yung isa kasi natatakot na sigaw kuya nila.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung ako po.. ivivideo ko ung nangyayare tpos kakausapin ko ung mother irerecord ko din ung convo nmin tpos kung si mother hnd ggwa ng action.. takutin nyo po sya n susumbong nyo s dswd.. ewan ko lng kung d matakot yan at gumawa ng action.. takot nya lng..