Kawawa naman yung mga bata :( Mahirap din kasing tumulong kung ayaw magpatulong ang mga magulang. Pero kung sincere ka naman sa concern mo sa mga bata, may oras ka kayang samahan sila kahit ilang minuto lang kada araw? Kailangan nila ng good role model. Wala kasing nagsasabi sa panganay na dapat inaalagaan niya ang mga kapatid niya. Mahirap din naman pagsabihan ang nanay nila kung napakadefensive - walang mapapala kung ganoon ang attitude niya. I guess in your own little way, try to reach out to the kids. Be kind to them, show them what being a good person means and the rewards they get for being good. Kausapin mo rin siguro si yaya. Pero tantiyahan rin talaga - kung masungit din si yaya, wala ring mapapala. I think kulang sa productive activities kasi ang mga bata. They need an outlet for all that boredom paired with all that energy. Meron bang mga kiddie clubs sa inyo na puwedeng nilang salihan?
Magbasa pa