Help meee momsh ?

Hi mommies.. Paano po malalaman if ilang weeks nang preggy? Nako-confuse po kasi ako. It's my first time.. Di pa din po ako nagpa-checkup, last mens ko po is first week ng Sept. missed period po ako nung Oct. Nagtake na din po ng PT positive result po. Worst thing is di pa alam ng parents ko, wala akong lakas ng loob na sabihin kasi isang factor din na malayo ang boyfriend ko, ayaw ko pa pong sabihin sa kanila na mag-isa kasi ayokong isipin nila na duwag bf ko. ? Sobrang emotional at antukin ko rin po during the day. Help ? TIA po

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi Momsh! Alam na din ba ni Boyfie mo? Sa first baby ko 3 mos preggy na ako bago ako nagpaconsult sa OB. Nagipon na din ako para sa panganganak ko simula na naconfirm ko na buntis ako. Kaya nung sinabi ko sa Parents ko, kampante na ako na hindi ko na sila maaabala kasi sarili kong gastos yung sa panganganak ko. Nung nagmaternity leave naman ako, nagstart ako small online shop. Nakatulong din yun para magkaroon ako extra panggastos sa gamit ng baby ko.

Magbasa pa