Working Mom
Hi mga mommies, nakabalik ba kayo agad sa work after nyo manganak or nag resign kayo para alagaan si baby? thanks
sa 1st time ko nagwork ako agad pero grabe yung nangyari sakin..:( super emotional sa office ako and walang drive to work super guilty lagi ang feeling ko everytime umaalis ako ng bahay. pag alis ko tulog si baby pag dating ko from work tulog si baby.. so umiiyak ako lagi feeling ko di na ako kilala ng anak ko. nag exclusive pump ako nun kaya bottle feed siya pero BM pa rin naman. lagi ako nagkakasakit kasi nga siguro super stress ako at laging self pity nun as in sakit talaga . so nung nag 1 year si baby nagdecide ako to resign. kasi feeling ko hindi na ako productive and iba na talaga pakiramdam ko nadedepress ako na ewan. siguro halo halo na yung naramdaman ko. and para once and for all maclear ang mind ko mahanap ko ulit yung sarili ko ayun nagresign ako. naging ok ang effect sakin then nung pag ka 3 years old ni baby naghanap ako ulit ng work..:) sa awa ng DIYOS mabilis lang ako nakahanap..:) so i suggest timplahin mo yung sarili mo if kaya mo ba bumalik magwork para di ka magsuffer emotionally and physically..:)
Magbasa paPromo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-45362)
I’m a 1st time mom too. Yes. I resigned from previous job. I don’t want to miss his new tricks every single day. It’s really a struggle but it’s all worth it. I just want to cherish every moment.
I resigned from my previous job to be a full time mom its not easy but its all worth it seeing your precious one milestones are priceless...❤❤❤
Sa first baby, yes. Pero sa second baby, tumigil talaga ako sa work hanggang 1 yr old. Gusto ko kasi tutukan si baby. Iba pa rin ang alaga ng nanay.
Hindi rin ako nakabalik agad mommy, up to now mag 1 year na baby ko. Ang hirap iwan, feeling ko hindi maalagaan ng maayos 😕
Yes after 2 months. Pero iba parin talaga pag alaga at laking nanay si baby 😢😔. First time mom here too.
I resigned Po. since I have 2 kids na Po Ako na Lang Ang magaalaga sa kanilang dalawa
Hindi pa dahil walang mapag iiwanan kay baby.
Hindi ako nakabalik agad