HELP MOMMIES, ANO PO BA DAPAT KONG PILIIN?
Heto kasi dilemma ko ngayon mga mommies. I am a work from home mom, tapos kumuha kami ng babysitter nung mga 3 weeks na ni baby after I gave birth to him. Monday to Saturday pasok niya samin from 9am to 6pm. Stay out. Okay naman po ang pasahod namin, sagot naman po namin lunch niya. Hinahatid naman po minsan ni hubby sa uwi niya kapag hindi pagod si hubby from work. Pero kung hindi sya nahahatid, sagot namin pamasahe niya pauwi. Work from home mom po kasi ako kaya nangailangan talaga kami ng babysitter and si hubby pumapasok sa work. Dalawa lang kami ni hubby sa bahay plus si baby. Ang problema ko po ngayon, nung una okay naman na nag-early out si ate, minsan 3pm, 4pm or 5pm. Kahit absent po, pinapayagan ko kasi may reasons naman. Kasi reasonable naman kaya okay naman po sa akin kahit mahirap talaga magwork kapag walang nagbaby sit po kasi may time tracker kami sa work ko. Hindi ko lang po magalaw yung mouse or keyboard ko, malaking bagay na po sakin yung minuto na mawawala kasi bayad po yun. Napansin po namin nitong mga araw, halos consecutive days na siyang di pumasok. Kesyo, may bisita from other town, tapos may pinuntahan na patay, mga ganiyang reason. Sakin kasi mga mommy, sobrang nahirapan talaga ako kapag walang kasama. Tapos ito na nga, di na naman pumasok ng monday, tinanong ko kung bakit. Seenzoned lang, tapos nagchat ng tuesday morning, hindi daw makakapasok kasi nadulas daw sya masakit tagiliran. Sa sobrang inis ko na po, di ko na po sineen message niya. Para sakin ayoko na siyang papasukin. Biruin niyo po this month, 2 days lang naipasok niya. Tapos nagchat today morning, bukas na daw papasok. Kaya natatawa na lang kaming mag asawa na may sariling schedule si ate. Until now di ko pa nirereplyan or siniseen. Kaya I am seeking of advice po, I am torn between hindi ko na lang sya papasukin at maghanap na lang ng iba or papasukin ko pa rin po? #advicepls #firsttimemom #plsadvice Help mommy pls. Thank you.