PARANOID!

Help me po please hindi ko na po alam iisipin or gagawin ko. Yung kapatid po ng boyfriend ko po kasi may syota siya rito sa pinas then nasa dubai siya 3years na silang mahigit pero heto na nga may kalive in pala si boy sa Dubai ayon nabuntis niya kaya ang ending naghiwalay sila nung syota niya sa pinas tapos pinakasalan niya yung nabuntis niya. Then si bf ko sumunod na rin siya sa Dubai para mag work din gaya ng kuya niya tapos every friday day off niya every Thursday ng gabi ang inuman nila, one month pregnant na ako noong umalis siya, sa una ang hirap pero ngayon nasa 35weeks na ako. Wala naman nagiging problema pero sa tuwing iniisip ko na baka magaya siya sa kapatid niya lalo na kapag nakikita ko nagrereact siya sa pic ng ibang babae, sa group chat pa nila ng mga barkada niya puro babae minemention at ang masakit pa doon tungkol sa sex qng pinag uusapan. Nai stress ako sobra, papaano ako magtitiwala sa pangako niyang hindi niya ako lolokohin at ipagpapalit kung ganyan lang din ipinapakita niya? Ang hirap kapag LDR sobra.. next year pa balik niya.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

You just have to trust your partner hindi naman komo ginawa ng kapatid nya gagawin na rin nya. Pero syempre hindi rin naman maiiwasan na maparanoid ka sa ganyan kasi malayo sya. All you have to do is talk to him and pray na malayo sya sa mga tukso para mapanatag ka..

Ang mga guys pa naman masikreto. Di mo din nmn alam ngyayare sa kanya doon.. always pray for him na di matukso lagi mo kamustahin at ivideocall pag freetime nya

I feel you mommy..pray lang at tiwala pa din s kanya isipin mo si baby mo..wag ka muna mastress, lalo na at buntis ka pa.ok? Stay safe po