15 weeks pregnant

Help po Im 15 weeks pregnant po ngayon. Im graduating student for senior high school. 15 weeks na po akong preggy at hindi po alam ng magulang ko at hindi ko po alam kung pano sa kanya sasabihin. Wala pa din po akong naiinom na vitamins para sa amin ni baby. Sobrang nahihilo at nananakit na din po ulo ko ilang araw na. Need advice po. Maraming salamat po. #1stimemom #advicepls #pleasehelp

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

opo tama yung ibang mga mommies na dito, sabihin mo po yan sa parents mo kahit anong mangyare kasi ako wala din talaga ako lakas ng loob mag sabi nun, unang sinabihan ko pa nga nung inalam ko talagang buntis ako yung kaibigan ko na mommy na din kasi alam kong matutulungan din nya muna ko pansamantala and ayun di ko na pinalipas ng ilang araw pa nagsabi ako sa nakakatanda kong kapatid then sinabi ni ate ko kela mama na ayun nagalit sila pero natural lang yun, nag aaral kasi nga ako pero nakagraduate na ko pero di pa as in graduated, ito pa nakakatawa nga kasi tinanong ako ng mga magulang ko kung saan namin ginawa yung baby jusko haha maling mali din kasi ako sa totoo lang wala kaming relasyon nung boy kasi ayaw nya ng commitment kumbaga ayun TANGA nga ako (sorry for the word) kasi nakikipag s*x ako sakanya but 2018 palang magkakilala na kami. ayun di pinanagutan nung boy kasi nga di pa din ready kahit may work sya and nag aaral pa din sya at panganay pa sya kaya inaasahan din sya ng parents nya.

Magbasa pa
TapFluencer

Alam mo mixed emotions ako sa situation mo, iha. Ang sakit sa puso kahit hindi ako yung magulang mo. Pero kahit ano pa nagawa mo mapapatawad ka ng parents mo at imposibleng pababayaan ka nila lalo na ngayon sa kalagayan mo. Malaking challenge ang teenage pregnancy at ang pinakakailangan mo ngayon ay ang guidance at suporta ng parents mo at sa ikakabuti ng baby mo. Advice ko lang sayo kahit anong mangyari wag kang titigil sa pag aaral kahit dalhin mo pa baby mo sa school. Mangarap ka soon to be mommy ng mas mataas para sa future nyo ng anak mo at ng soon to be family mo. Wag mong pababayaan anak mo lalo na kung girl din ito dahil sobrang sakit sa puso ng mga magulang ang mga ganitong sitwasyon. Sa pakikipagrelasyon dapat isipin natin ang consequence ng lahat ng ating mga actions. Nasasarapan tau sa una pero sa huli ang bunga ang magiging kawawa. Lakasan mo na lang loob mo. Isipin mo para yan sa sa kapakanan ng baby.

Magbasa pa

same tayo nagaaral din ako nung nalaman kong buntis ako pero hindi ako minor, sobrang natatakot din akong sabihin sa parents ko kasi mataas expectation nila saming magkakapatid, Hindi din nila alam na may boyfriend ako kasi sobrang malayo loob ko sa kanila never ako nagpakilala ng kahit sinong lalaki. Sobrang mature at independent ng lalaking nakabuntis sakin kaya siya mismo ang nagsasabi sakin na sabihin na namin sa parents ko, kinausap niya mommy ko and sinabi niya na hindi ko pababayaan pagaaral ko, Hindi nagalit mommy ko sinabi niya lang na alam niya na hinihintay niya lang daw na manggaling sakin. 7 months na ko ngayon hindi pa din tanggap ng relatives ko sa father side pero hayaan na lang basta nakasupport mommy ko and yung family ng boyfriend ko.

Magbasa pa

tell your parents but expect their reaction. yung kapatid ko nalaman namin nung 6 months na tyan nya. kung di pa sya nagkadengue. umiyak kaming lahat. panganay ako sa magkakapatid. grade 11 pa lang sya that time. ung disappointments ng parents ko kitang kita ko. masakit sa puso. pero tinanggap nila ang baby. ung kapatid ko nagbago. dati syang mailap sa bahay. ngayon tumutulong na sya. pinapatunayan nya ang sarili nya sa parents ko. di sya nagstop magaral. tutulungan ka nila. don't worry. pero sana wag mo na ulitin. lagi mo tandaan ung reaction nila. un ang gawin mong challenge sa sarili mo para wag mo na ulitin.

Magbasa pa

better sabihin mo na, mas magiging maluwag sa pakiramdam mo yung masabi mo sa pamilya mo. di mo naman maitatago ng matagal na panahon yan. kakailanganin mo ng tulong nila. They will get disappointed of course kasi wala ka pa sa tamang panahon ang pagkaron mo ng sariling anak lalo nag aaral ka pa at di pa mo kaya tumayo sa sariling paa. pero eventually, siguradong matatanggap pa rin nila ang naging kapalaran mo. anak ka nila, mahal ka nila. everything will be alright. 🙏❤️ much better makapagpa check up ka na at makainom ng tamang vitamins para sa inyo ni baby. praying for you and baby 🙏

Magbasa pa

ako 5months na tyan ko tatay ko na mismo nakahalata at sobrang nakakahiya at iyak ko nun kasi kung di nya siguro nahalata siguro tinangka ko ng ipalaglag to kasi diko talaga alam paano sasabihin sa magulang ko dahil unang una nyang sinabe sakin nuon na wag na wag akong mabununtis ng hindi pa kame nag sasama ng jowa ko pero diko nasunod yun kaya sobrang takot ko pero eto 7months na tyan ko at thankfull ako kasi anjan sila para sakin simula noon hanggang ngayon na mag kaka anak nako . kaya sabihin mo na sa parent mo para maalagaan ka ng ayos malaman mo anong mga bawal gawin at kainin 😁☺️

Magbasa pa

Malalaman at malalaman naman po nila yan eventually, so dont prolong your agony. Be honest to them and yourself. It already happened, so best way is to have an adult guiding you on how to move forward with your current situation. If magalit sila or may masabi hindi maganda, just remember na may consequences ang choices na pinili mo, so its just one of them. Ang mahalaga, they know and magagawan na ng paraan. You dont want to put yourself anf the baby at risk/harm.

Magbasa pa

Parents will always be your parents no matter what. At first syempre ma gagalit at ma didisappoint sila but kahit ano pa yan they will always care for you lalo na ngayon that you’re caring their grandchild. Seek for parental advice parin sa kanila and don’t forget to pray for you and your baby and also pray na maiintindihan ka ng parents mo. 😊😊 keep safe mommy 🥰

Magbasa pa

pray ka bigyan ka lakas ng loob, and guidance. ganyan din ako nung una, takot ako mag sabi pero mas maganda masabi mo na, di rin mag tatagal malalaman at malalaman nila yan, kaya mas maganda mag sabi ka na harapin mo nalang galit nila. ganon talaga anjan na yan matatanggap din nila sitwasyon mo kaya mo yan.

Magbasa pa
TapFluencer

better na sabihin mo sa parent mo kaya mo yan mas maganda rin na alam nila na bubtis ka kasi sure na hindi mo rin alam yung mga bawal sayo at sa baby mo at kung anong needs nyo ni baby pray ka lng kaya mo yan😊😘ingat and always remember na god is good all the time🙏🖤

Related Articles