15 weeks pregnant

Help po Im 15 weeks pregnant po ngayon. Im graduating student for senior high school. 15 weeks na po akong preggy at hindi po alam ng magulang ko at hindi ko po alam kung pano sa kanya sasabihin. Wala pa din po akong naiinom na vitamins para sa amin ni baby. Sobrang nahihilo at nananakit na din po ulo ko ilang araw na. Need advice po. Maraming salamat po. #1stimemom #advicepls #pleasehelp

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Alam mo mixed emotions ako sa situation mo, iha. Ang sakit sa puso kahit hindi ako yung magulang mo. Pero kahit ano pa nagawa mo mapapatawad ka ng parents mo at imposibleng pababayaan ka nila lalo na ngayon sa kalagayan mo. Malaking challenge ang teenage pregnancy at ang pinakakailangan mo ngayon ay ang guidance at suporta ng parents mo at sa ikakabuti ng baby mo. Advice ko lang sayo kahit anong mangyari wag kang titigil sa pag aaral kahit dalhin mo pa baby mo sa school. Mangarap ka soon to be mommy ng mas mataas para sa future nyo ng anak mo at ng soon to be family mo. Wag mong pababayaan anak mo lalo na kung girl din ito dahil sobrang sakit sa puso ng mga magulang ang mga ganitong sitwasyon. Sa pakikipagrelasyon dapat isipin natin ang consequence ng lahat ng ating mga actions. Nasasarapan tau sa una pero sa huli ang bunga ang magiging kawawa. Lakasan mo na lang loob mo. Isipin mo para yan sa sa kapakanan ng baby.

Magbasa pa
Related Articles