Morning Sickness / Super Nauseated

Help po! I'm 12 weeks and 4 days pregnant na to be exact... My problem is that grabe akong nag lilihi ngayon. Kahit kanin ayaw ko sa amoy. Nasusuka ako. Mga favorite kong adobo at kahit tinolang manok naduduwal din ako kahit sa amoy palang. Kapag naman pinipilit kong kumain para lang maylaman sikmura ko sinusuka ko lang pagkatapos kaya ang ending useless parin. Hindi ko na alam anong kakainin ko. Puro nalang ako tinapay, biscuits, minsan umoorder nalang ako ng pizza na cheesy at yung jolly spaghetti. Kahit gatas ayaw ko na sa amoy. Yung partner ko minsan naiirita na kasi nag iinarte lang daw ako... Sabi din ng papa ko nangangayayat na ako. Eh ang takawยฒ ko naman noong di pa ako nabuntis. Anyone who has the same story? Paano niyo natawid ang pregnancy niyo na healthy? ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ #pleasehelp

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan tlga mi. Ako nung 1st trim ko d ako msyado kumakain kasi halos lahat ayaw ko. Ang kinakain ko lng nun prutas, oatmeals tsaka mga freshmilk lng kaya bawas din timbang ko. Kahit tubig halos ayaw ko na inumin kaya ang gngwa ng partner ko gngwa. niya ko ng lemon juice. Or kalamansi juice para d ako masuka sympre may laman din dapat ung tiyan para wlang acid reflux. Tas pag bbyahe pako papuntang work dat may dala akong plastic incase na naduduwal or nasusuka ako habang nsa byahe. Pagdating ko ng 2nd trimester halos ganon pdin set up ko pero onting kanin tsaka piling ulam na knakain ko pero d lng din mdami kasi pag mdami sinusuka ko din kasi blis ko mgsawa. Tas dapat iba iba ulam kasi pag nagsasawa tlga ako agad kaya ung hubby ko ayon todo asikaso naman sa ulam ko na dapat iba iba. Pagdating ko ngayong 3rd trim dun lng ako nkakabawi ng kain lalo na ngayong mag 37 weeks nako. Pero may mga amoy pdin ako na ayaw ko gaya ng bawang, sibuyas, mami, lomi, baka, bearbrand na bagong timpla, used oil, mga kikiam, tempura, suka, adobo lahat ng ulam na may suka HAHAHAHAHA pero bumbawi nako sa kain. Tiis tiis lng mi.

Magbasa pa
4y ago

Iba iba kasi tayo mi hahaha. Kaya nga nasabi ko sa sarili ko jusq ayaw ko muna sundan napakahiraap HAHAHAHAHAHA pati asawa ko nahihirapan pero la siya choice ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ

Sa 1st baby ko ganyan na ganyan ako mamsh, baby girl panganay ko. di ako makalabas ng bahay nun kasi feeling ko nahihilo ako palagi dahil maraming amoy ang di ko matiis. di ko maenjoy ang pagkain namin ni hubby sa labas kasi lagi ako nasusuka, minsan bumabangon pa ko ng madaling araw para lang sumuka, hirap na hirap ako nun kasi hanggang 3rd trimester ganun ako, may mga foods na kaya ko naman kainin na di ako masusuka pero piling pili lang, kahit nga tubig nun grabe di ko mainom ng maramihan kasi ilalabas ko lang din, nakakatrauma din kasi 1st baby ko haha after 5 years nasundan panganay ko, 24 weeks preggy ako ngayon. sa 1st trimester bumaba din timbang ko kasi grabe selan ko din, pag mga mamantika o maasim naisusuka ko lang, yung dating sinigang na favorite ko di ko makain. Nawala wala sya nung umabot na ng 16 weeks yata sobrang gana ko na kumain ngayon, halos lahat na nakakain ko pero di pa din okay sakin ang sinigang. hehe. more fruits and water lang mamsh. โค๏ธ๐Ÿ’• hopefully maging okay kana by 2nd trimester like me.

Magbasa pa

hi mommy, same case tayo, halos lahat ayaw ko, pati nilulutong ulam sa kapitbahay amoy na amoy ko, lagi nalang ako sa kwarto tuwing may nagluluto dahil struggle is real talaga.. ang nakatulong sa akin para ma survive ko ang pagkain ko sa araw araw ay nilagang saging at mansanas na nilalagyan ko ng asin, yun lang talaga hanggang natapos ang 3mister ko, bumaba ang timbang ko ng 6kilo dahil duon, pero ngaun 6 months na c baby sa tummy ko and subrang galaw ng galaw palagi๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š makakabawi kadin๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
4y ago

Huuuy ganyan na ganyan nga rin ako! Nagkukulong ako sa kwarto lalo na kapag alam ko oras na para magluto mga kapitbahay. Saging din nanilaga kinakain ko pag gutom na gutom na ako. Try ko rin yang mansanas. Salamat! ๐Ÿ˜ญโค๏ธโค๏ธโค๏ธ

Buti na lang ako di masiyadong ganyan. Masama lang talaga panlasa ko at malakas pangamoy. Ayaw na ayaw ko lng talaga ung amoy ng bawang na ginigisa๐Ÿ˜Š pero the rest ok nmn at kahit papano nakakakain ako konte nga lang. Lagi lang maasim gusto ng panlasa ko nun.Nag-start ako ng paglilihi 11 wks. Hanggang 15 wks.. Then after that unti unti ng nawawala at bumabalik na sa dati. im 36 wks. And 2 days n lapit n manganak. Tiis ka lang Mommy mawawala din nmn yn.

Magbasa pa

Same tayo 12 weeks and 4days hindi nakami nag stock sa ref kasi kung ano lang maisip ko yun lang ang gusto ko kainin. Try niyo po Milo and Crackers yan po pantawid gutom ko. Lagi kasi ako Bloated sa Anmun kaya I think kapag 5mos na si bebiii tska ko ulit iinumin para di masayang. Naduduwal din ako sa amoy nang sinaing tska kapag nagluluto ng ulam ๐Ÿ˜… Buti nalang maintindihin si hubby at nasa labas yung lutuan namin. Keep fighting mommy.

Magbasa pa
4y ago

Sige try ko ang milo at cracker. Salamat momshie! ๐Ÿ˜ญโค๏ธโค๏ธโค๏ธ

Nung buntis ako ayaw ko ng dry foods dapat laging may mainit na sabaw. Try nyo po fruits and oatmeal, maliit lang po muna bilhin nyo para hndi masayang and make sure na lagi nyo iniinom vits and inom po 3-5L na tubig po. Mag yakult din po kayo. Ganyan talaga. Need natin mag sacrifice. Hndi po pag iinarte yan, may maseselan talaga na mag buntis, hndi alam yan ng mga boys kasi hndi sila nakakaramdam. Hays

Magbasa pa
4y ago

Thanks momshie! Nakaka praning lang kasi first time ko. ๐Ÿ˜ญโค๏ธโค๏ธโค๏ธ

same tayo jan mommy hngga ngayon po naglilihi pdin ako 34 weeks pregnant nakapaselan ko dito sa pangalawa lahat din kainin ko ayaw tanggapin ng sikmura q kahit gusto ko po ng food ayaw nya ginagawa ko nag biscuit at maligamgam na tubig lang ako kahit po sa gabi sina sabayan q nlang po ng vitamins dati po akong 73kg ngayon 66 nalang tiis lang po mommy

Magbasa pa
4y ago

Thanks sa shared experience momshie! โค๏ธโค๏ธโค๏ธ

VIP Member

Ng first trimester ko po ganyan every meal suka sasamahan pa Ng migraine tapos pag ayoko Ng Amoy Ng niluluto lumalabas Ako Ng bahay or Kaya my mask Ako SA bahay ๐Ÿ˜‚ ang hirap at ang selan ko din buti ngaun 23weeks naku ok ok naku.bumalik na ung gana ko kumain. makakaraos Ka din SA stage na Yan momsh ๐Ÿค—

Magbasa pa
4y ago

Sana nga momshie... May iba kasi sabi nila aabot ng 3rd trimester ang ganito... Sana katulad mo lang ako na okay na pag abot ng 2nd trimester. ๐Ÿ˜ญโค๏ธโค๏ธโค๏ธ

Ganyan din ako nung first trime, kala ko nga tuloy tuloy na ganon. Kumakain ako pero after ilang minutes sinusuka ko lang din lahat ng kinain ko kaya walang laman tyan, bumawi nalang ako sa fruits & vitamins nabawasan timbang ko ng 3 kilos. Ngayong 2nd trime sobrang takaw ko na๐Ÿ˜

4y ago

Sana ako din bumalik na pagka matakaw ko pagka 2nd trimester! ๐Ÿ˜ญโค๏ธโค๏ธโค๏ธ

Ganyan din ako sa 1st trime, halos bumaba tlga kilo ko dahil sa sobrang pili sa pagkain nagagalit nadin yung partner ko kaya lagi kona lng sinasabi normal lng nmn sa buntis yun. Ngyun 2nd trime nko nawala wala nadin yun paglilihi ko. 1st time momโค๏ธ

4y ago

Mag gatas at prutas ka po kapalit ng hinde mo pagkain ng kanin, minsan kapag ayoko ng ulam saging at manga ang inuulam ko okay nmn sakin. Pero sabi ng ob ko ang kanin pa daw ang nakakapag pasuka sating maselan. Kahit konting kanin lng okay na yun.. Skyflakes po tas milk kung ayaw nyo kumain tas prutas tlga more on water din po. Unti unti din po mawawala yan, tyaga lng po kayo ๐Ÿ˜Š