Morning Sickness / Super Nauseated

Help po! I'm 12 weeks and 4 days pregnant na to be exact... My problem is that grabe akong nag lilihi ngayon. Kahit kanin ayaw ko sa amoy. Nasusuka ako. Mga favorite kong adobo at kahit tinolang manok naduduwal din ako kahit sa amoy palang. Kapag naman pinipilit kong kumain para lang maylaman sikmura ko sinusuka ko lang pagkatapos kaya ang ending useless parin. Hindi ko na alam anong kakainin ko. Puro nalang ako tinapay, biscuits, minsan umoorder nalang ako ng pizza na cheesy at yung jolly spaghetti. Kahit gatas ayaw ko na sa amoy. Yung partner ko minsan naiirita na kasi nag iinarte lang daw ako... Sabi din ng papa ko nangangayayat na ako. Eh ang takaw² ko naman noong di pa ako nabuntis. Anyone who has the same story? Paano niyo natawid ang pregnancy niyo na healthy? 😭😭😭 #pleasehelp

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa 1st baby ko ganyan na ganyan ako mamsh, baby girl panganay ko. di ako makalabas ng bahay nun kasi feeling ko nahihilo ako palagi dahil maraming amoy ang di ko matiis. di ko maenjoy ang pagkain namin ni hubby sa labas kasi lagi ako nasusuka, minsan bumabangon pa ko ng madaling araw para lang sumuka, hirap na hirap ako nun kasi hanggang 3rd trimester ganun ako, may mga foods na kaya ko naman kainin na di ako masusuka pero piling pili lang, kahit nga tubig nun grabe di ko mainom ng maramihan kasi ilalabas ko lang din, nakakatrauma din kasi 1st baby ko haha after 5 years nasundan panganay ko, 24 weeks preggy ako ngayon. sa 1st trimester bumaba din timbang ko kasi grabe selan ko din, pag mga mamantika o maasim naisusuka ko lang, yung dating sinigang na favorite ko di ko makain. Nawala wala sya nung umabot na ng 16 weeks yata sobrang gana ko na kumain ngayon, halos lahat na nakakain ko pero di pa din okay sakin ang sinigang. hehe. more fruits and water lang mamsh. β€οΈπŸ’• hopefully maging okay kana by 2nd trimester like me.

Magbasa pa