rashes sa mukha ni baby
help nmn po.. 3 months old po baby ko. pabalik balik po ang rashes sa mukha niya
normal daw yan sabi ng pedia ng baby ko, may baby acne rin sya at erythema toxicum mga common skin condition ng newborns. try mo lang mag cetaphil antibacterial bar ang panligo tapos wag mo pahiran ng kung ano ano si baby. dati kasi pinapahiran ko si baby ng tinu buds na in a rash, nababawasan pero bumabalik rin. nung hininto ko at nag cetaphil lang (pero hindi ko sinasabon ang face) nawala na.
Magbasa paSis natural na nag kaka pimples ang baby pero kpag rashes check mo Kung saan sya hiyang like sa soap, shampoo, and pillow nya blanket malambot ba or bka my nag kikiss sa baby mo na my balbas mustache gnn try mo wag pa hawak hawakan pisngi ng baby mo ksi yng sa baby ko gnn sa kiss ng daddy nya sya nag kaka rashes
Magbasa pawag mo po sya pakiss sa pisngi nang may bigotr kasi nakakarashes ang bigotr sa balat nang baby kasi manipis lang balat nila ganyan po kasi yung panganay ko,,sa bigote po pala sya nagkarashes kasi lolo nya may bigote😊pulbo lang nilagay q nawala naman
Napatingnan mo na sa pedia mommy? parang makapal kasi yung pagkakarashes pacheckup mo po yan .. and Avoid muna any babywash sa face kahit yung mga skin cleanser wag muna sa mukha .. use water lang muna .. and tulad ng Sabi ko paconsult mo po yan agad
super effective for me yung dove na sensitive po. sa mga rashes ni resitaan na ako ng doctor dati for her rashes dagil sa diapper at meron din sa face kunti lang naman yun pero dove sensitive lan naka help sa kanya. baka okay din baby mo.
sis pacheck up mu nalang sa pedia para sure. kasi sa lo akala ko rashes lang yun pala atopic derma na daw sabi ng pedia kung anu anu pa ang itinry ko na anti rashes eh. padouble check mu nalang sa pedia ng mabigyan ng tamang gamot.
yung baby ko po nagka ganyan din nirecommend saken calmoseptine kaso hindi po humiyang. Try nyo po baby acne from tiny buds effective po sya sa baby ko pero hiyangan din po kasi. Ayan po yung before and after sa face ng baby ko
try nyo Po exzacort cream mhie.. lagay mo sa area na may pula . pagkatapos mong paliguan c baby tapos lagyan mo din sa Gabi pagkatapos mo ding punasan c baby. . super effective Po .
Magbasa papag pinapaliguan daw Po si baby is wag lalagyan Ng kahit Anong sabon Ang Mukha punasan lang daw Po Ng tubig pero wag sasabunin hugasan lang Po Ng tubig na maligamgam..
Mixed feed ka po ba? kasi if yes, baka sa gatas yan may milk allergy si baby. if not naman po, better consult pedia para mabigyan ng tamang gamot si baby