Wag na lang dn Kayang maging sweet kay husband? ๐Ÿ™„๐Ÿ˜

Help mga Mamsh, minsan ba naisip nyo na kung ano lang din kaya pakita ni Mr sayo e ganun kana lang din sakanya, Para patas at less expectation na lang dn, Very sweet kase ko sakanya since naging kami until maging asawa ko sya, Pero ngayon parang nakakainis na kase sya hindi ganun sakin. Ewan ko ba ang clingy ko pag dating sakanya lalo ngayon preggy ako. #advicepls

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

husband ko ever since mag bf/gf palang kami hindi talaga sya sweet and showy. ganon na talaga sya kahit nung magkaibigan palang kami. Ako lang talaga yung super clingy and sweet. Lalo na ngayong pregnant ako, gustong gusto ko ng atensyon nya, kaya nung nabuntis ako, sinabihan kona agad sya na eto ang gusto ko, ganyan ang gusto ko, kasi kung hindi masstress ako at masstress din si baby. ngayon medyo sweet naman na sya, lahat ng need namin ni baby binibigay nya, lalo sa cravings ๐Ÿ˜… sa atensyon naman, pinigilan ko syang istorbohin pag nag ta-trabaho sya, pero alam nyang gustong gusto ko syang istorbohin kaya sya na unang mang iistorbo haha ๐Ÿ˜… Feeling ko naman dahil lang sa pregnancy ko to kaya ganito ako ka need ng atensyon nya. Pero after pregnancy feeling ko balik sya ulit sa dati haha ๐Ÿ˜… well ok lang naman kasi may baby na kami non, so yung atensyon ko din, nasa baby na namin ๐Ÿ˜๐Ÿฅฐ Okay lang yan mommy, may mga lalaki talagang hindi clingy at showy, pero good provider. Nakakainis man, pero may ganon talaga. Or sometimes, yung way ng pag show nila ng sweetness nila is thru jokes, yung tipong papatawanin ka nila kasi nakita nilang sad ka. Dinadaan nila sa ganon minsan

Magbasa pa
2y ago

True yan Mamsh nag ppray na nga lang ako na malampasan ko hehe, Pero in terms sa pagaalaga naman sobrang asikaso nya ko sobrang needy ko lang talaga ngayon. Saka ayun na lang dn iniisip ko pag labas ni Baby dun ko lahat ibuhos hehe joke, Thank you sa advice Mamsh sobrang helpful nakaka enlighten mga payo nyo ๐Ÿ’›

VIP Member

ganyan din ako minsan, pero naisip ko kasi may baby kami so kung pipiliin ko atupagin ung paglalambing kay hubby kesa sa mga trabaho sa bahay at sa anak ko, ayy ma stress lang ako ๐Ÿ˜† yaan mo sya momsh lalo buntis ka pala..kung mahal ka nya let him do the first move, gusto ng mga lalake sila ung naghahabol kaya kung ako sayo magpa miss ka..parang pa "hard to get "move kahit mag asawa na kayo, ganyan gusto ng mga lalake ung sila ung nhhirapan ewan ko ba ๐Ÿ˜†๐Ÿ˜…๐Ÿ˜

Magbasa pa
2y ago

Thank you, Naisip ko nga bigla iba iba pala sweetness ng tao. Ako kase very clingy person pero in terms sa pag aasikaso di sya pumapalya kahit nung mag bf/gf pa lang kami ayaw nya na nahihirapan ako. Siguro dala lang dn toh ng hormone changes ko haha Kung ano ano naiisip ko hay hirap haha

2.sinasabi ko lahat ng gusto ko sabihin. tas sya din. minsan sobrang busy lang pala talaga. may mga ganun kasi pero ate pwede mo sa kanya sabihin mga nafefeel mo. ganyan talaga lalo pag matagal na. parang nawawalan na kuno ng sweetness kasi nasasanay na sila na nandto lang tayo pag uwi nila. parang ganun. kaya add some spiceโค lalo na ngayong preggy nagiging emotional. and needy. heheโค. goodluck

Magbasa pa
2y ago

Kaya nga po, Sobrang needy ko gusto ko lage sya kasama to think na parehas kami wfh naiisip ko wala sya time sakin haha pero in terms of pag aasikaso di sya pumapalya baka dala lang toh ng pagiging preggy ko Kaya Kung ano ano naiisip ko ๐Ÿ˜…thank you so much

1.may mga time po talaga na mafefeel natin na ay di parang ako nalang ung sweet saming dalawa. minsan nakakapagisip tayo ng kung ano but i think talk will do. communicate with each other. ndi ung usap na pagdating nya ah. kami kasi pagmadaling araw mga 3am kasi papasok sya sa work nya. bago sya magasikaso naguusap kami ng masinsinan. like parang open forum ganun? hahaha.

Magbasa pa
2y ago

Kaya nga po Mamsh thank you sa advice, Kung minsan talaga very insensitive ng lalaki e haha siguro dala lang toh ng pagbubuntis ko Kaya ganto naiisip ko, Pero sobrang maasikaso sya sakin since day1 naging kami ayaw nya nahihirapan ako until now baka minsan mapaghanap lang dn ako gawa ng preggy ako hehe Sana malampasan ko toh lage na lang ako nag ppray ๐Ÿ’›

VIP Member

Never ask something in return or fairness sa pagiging sweet. Very sweet din ako sa hubby ko pero never ako nagisip na hindi sya fair na hindi sya sweet. Whatโ€™s important is what u can do or give to ur partner.

2y ago

May point ka Mamsh, baka nga ako lang nagiisip ng ganto in term naman po sa pagaalaga nya sakin talagang ramdam ko pagmamahal nya naisip ko bigla may kanya2 pala tayong language ng pagiging sweet. Salamat Mamsh sa advice Sana malampasan ko toh hehe