6 Replies
wag niyo lang sukuan.. keep offering lang po at since naging picky eater na si baby .. try mo maging creative sa pagpprepare like may hugis na star heart or animals etc.. saka wag mo lang pilitin kasi the more na pinupwersa may lalo yan aayaw... sabayan mo din siya sa pagkain.. saka wag ka mag alala mii hindi yan habang buhay hindi kakain ng solids bigyan mo lang siya ng panahon na magustuhan niya yung ihahanda mo sakanya mas mainam din na may kasabay siya bata sa pagkain niya para ganahan... btw skl ako mismo as a kid picky eater din ako dati at hanggang grade 2 nagsi cerelac ako😆pero nasanay nalang din ako kumain ng solids kasi mga kaibigan ko nun mga matatakaw kaya napapagaya ako😊 kaya since lumaki ako pihikan. sinanay ko naman dalawang anak ko na bata palang kumakain na ng ibat iba... kaya eto bunso ko from 6mos til now 18mos siya kahit ano pagkain gusto niya😊
continue na bigyan si LO ng solid food. more patience kasi malaki na sia. dont allow na kau ang hahabol para lang subuan or pakainin sia. pakainin nio sia sa table or low chair (low version ng high chair), hayaan nio sia magexplore in eating. bigyan nio ng spoon para kumain sia ng kania. kapag nagustuhan nia, try niong subuan para dumami ang kain. hanapin nio muna ang food na ok sa panlasa nia. working mom din ako pero nakatutok ako sa bata kapag nasa bahay ako. mahirap man pero need ng commitment and patience para matuto ang bata kumain. and mahanap ang food na magugustuhan nia. kapag sinabi namin na eating time na, tatakbo na sia sa low chair. favorite ng anak ko ang rice na may sabaw ng sinigang. another, hahaluan ng mashed veggies ang rice para hindi nia ramdam ang veggies (ayaw nia kapag chunks ng gulay). biscuits, pasta, himay na fish and chicken.
sanayin niyong morning at evening na lang ang milk niya. unti untiin niyo siyang pakainin . huwag niyong binibigla kase gaya nga ng sinabe mo mamsh hindi siya nasanay ,kaya maninibago yan . pinapakaimportante sa lahat ?HABAAN NIYO PASENSIYA NIYO sa pagpapakain . kung pwedeng palitan niyo ung nagbabantay sa kanya palitan niyo . isa rin kase yan sa dahilan . na baka pag guton ung bata milk agad ang ibibigay .
Ang hirap niyan dapat noon mie bago o pag dating nyo galing work sinasabayan nyo kumaen ng rice buti baby ko 1yr and 7months Pa lang malakas na kumaen ng rice ikaw na Lang aayaw mag subo dahil baka masobrahan mag milk lang siya pag matutulog sa tanghali at gabi .
Ano lang po kinakain ng baby nyo? Same here 3.5 years old na anak ko ang kinakain lang lugaw with malunggay and mashed kalabasa once a day, no biscuits or other food basta ung lugaw lang tapos nka pediasure siya 5 bottles a day
Palitan mo yung nagbabantay,baka tinatamad sya mag-prepare ng pagkain ng anak mo kaya puro gatas lang binibigay. Or gawa ka ng sched for milk time and solid foods time.
HoneyRhei Lemon