Ano pobang dapat gawin
Hellow po pwede poba makahingi ng kunting advice . Nung lunes po kasi pinabantay kopo sa pinsan ko yung anak ko . 1yr and 7months napo . Pagtapos kopo magbanlaw Pagbalik ko ganyan napo nangyarin sa knya . Pero kinaumgahan ok naman po sya wala naman pong nararamdaman . Kinabukasan po nitong myerkules nagkalagnat po siya , kaya pinahilot kona din po . Worry po aki sa knya ngayon kasi lalo po syng nangangayayat , gustuhin koman po sya ipacheck up wala po kaming pamasahe papunta sa emergency po😭 . Ano poba sintomas nung pagkaLagnat nya po
Mahirap kasi pag ulo o parte ng mukha ang nadali lalo at ganyan na nilagnat. Pacheck up mo mommy para mapanatag ka. Gawan ng paraan mommy please..
Kwawa nmn si baby pacheck up nyo na po saka nyo na priblamahin ang pera pg andun na po kau.. Gawan nyo po NG parAAN Anlaki po nyan. Jusko
wala po bang rescue sa brgy nyo? lapit po kayo dun . pahatid kayo wala naman po bayad yun. para makapagpacheck up c baby kawawa naman po
Pag ako yan komprontahin ko yung pinsan mo. jusko!! hindi biro yan. ano yan meron nalang agad agad?? pa check up mo na mommy. mahirap na
Please po visit po kau sa doctor. Mas malaki po gastos kung lumala yan. Kaya agapan na po para safe si baby. Nasa huli po ang pag sisi.
Gawan nyo po paraan mapacheckup pls, kawawa po si bb. Delikado po kasi pag natatamaan ulo ng bata lalo na't nilagnat at nanghihina.
Mommy Para sa anak gagawin ang lahat po, kahit walang pera po gagawan dn yan ng paraan diskarte na Lang po mahalaga po ang buhay.
Mumsh, pa check nyo po sa doktor, wag po hilot. Baka mataas ang pinagbagsakan nyan delikado po ang malakas na untog sa baby.
manghiram ka muna ng pamasahe mommy. mas madaling gawan ng paraan yun kesa hindi natin alam kung ano nangyayari kay baby
dapat inampatan po agad ng yelo, kung nilagnat po dalhin nyo po kahit sa center. antabayanan nyo rin po kung nagsusuka.