βœ•

My baby boy πŸ‘ΌπŸ»πŸ₯°

Hellow mommys?! Late late upload 😁 Anyway.. First of all ty ty sa App na ito ever since nagbubuntis ako napakalaking tulong nito saakin. Hehe πŸ˜„ By the way meet my baby boy πŸ‘ΌπŸ» Lmp edd Sept.9 Pelvic edd Sept.24 Baby's out Aug.29 Via normal 2440grams Kwento ko lang karanasan ko hehehe Aug.29 around 5-6am nagising ako kasi pumutok panubigan ko, then tinakbo naako sa ospital that time la nang paligoy ligoy hehe Anyway ako yung my thyroid problem kaya kailangan akong e cs sabi ng ob ko nun kasi nga di ako pwdi mag normal baka dw ikamatay ko. Sabi yun ng ob gyne sakin. Sa sobrang takot ko lahat ng requirements, resita na pinapagawa nila kapag bago e cs ginawa ko lahat lahat ng yun. Fast forward... So ayun na nga aug.29 moorning inobserve nila ako kung kakayanin kung e normal si baby. Then, nag pa bps utz ako at nakita sa bps scoring ni baby is 8/8 at naka cephalic na si baby that time. Ever since nagpa utz ako naka cephalic naman na talaga si baby ko. So tapos yun na nga 7am-4pm nag labour ako unang ie sakin is 1-2cm then second ie 2-3, tapos pangatlong ie 4cm and then last ie is nag full term naako. Then around 4:30pm the baby is out hehe 😁😁 Sobrang saya saya saya ko nung time na yun. Hehehehe bukod sa na enormal ko baby ko, apaka lusog pa nya 😍 Pwera usog hehehe Sensya na po napahaba πŸ₯° Goodluck sa mga manganganak palang. Kaya nyo yan tiwala lang kay papa god and more pray β˜πŸ™πŸ»πŸ˜‡

44 Replies

Super Mum

Congratulations mommy Lynlee. Finally nakaraos ka na pala and congrats na di ka na CS kasi as far as I remember medyo nagwoworry ka ata sa clearance before. I'm happy na finally nakasama mo na si baby. πŸ’›

yes sis true hehehe salamat sis

Hi mommy, my hyperthyroidism din po ako October pa po ako mangangaanak pwd ko po ba malaman kung ano niresita s inyo ng ob nyo po?

sabi kasi nila na mamana dw yun ng baby. buti nalang hindi nakita sa NBS ng baby ko.

congrats mommy sana acu din makaraos na πŸ₯Ί at sana mainormal delivery cu din si baby .. ask lang momsh sang ospital ka nanganak ?

Una po dto sa pampanga

VIP Member

congrats po mommy. nung dipa po naputok panubigan mo panay po ba tigas ng tyan mo?

opo madalas na

Congrats po. I’m going to deliver my 1st baby anytime soon. Wish me luck

Super Mum

Yey, buti mommy at nairaos via Normal delivery. Congratulations po! ❀

congrats po mommy 😁 pwera usog baby ng lusong mo nga πŸ€— so cute

Ilang weeks ka nyan mamsh nung nilabas mo si baby? And ano mga ginawa mo?

wala naman akong ginawa sis, di naman ako nag exercise or kumain ng pinya na sinasbi nila pam pa open ng cervix. Kasi ang pagkakaalam ko talaga e ccs nila ako. Diko en expect na manonormal ko c baby.

yay! congrats mommy for the safe delivery! πŸ˜€ ang cute ni baby! 😊❀

congrats momshie.36 weeks palang ako

Trending na Tanong