Marriage or RIGHT TIMING
Hellos mamsh, PA advice naman po. Nung mag jowa palang kami nagpplano kami ikasal pag may bahay na at ipon kaso ang nangyari nauna po ung baby namin ung bf ko po ang gusto nya ikasal kami pag may bahay at ipon na hindi daw kasi tamang panahon pa ngayon ako naman gusto ko na sana ikasal haysssssss....... Intindihin ko nalang po ba ang bf ko??? Or pilitin ang gusto ko.......
sa ating mga babae po kasi importante ang kasal talaga, pero may mga instances na hindi maiwasan like ung mauuna ang baby at hindi nasunod ang plano..kng ako po nasa sitwasyon nyo I'd rather choose na makasal muna kahit civil lang habang wala pa si baby..di naman cguro aabutin ng malaki ang magagastos sa civil wedding lalo if exclusive for family naman ang andun..simpleng handa okay na basta ang importante makasal kayo lalo kung matagal na din naman na kayo as BF/GF..pero depende pa din po sa paguusap ninyo yan magpartner 😊 share ko lang din, in my case po kasi matagal na kami mag BF/GF at nakabili na din kami ng bahay sa cavite since 2017 pa, nagpakasal kami 2019 and dapat by 2020 mapaayos nmin ung bahay para makalipat kami kaso nagpandemic at nabuntis ako nung June so hindi natuloy ang plano kaya we decided na dto muna kami pansamantala sa inuupahan nmin ng sister ko na bahay kasi nasa province naman sila and ayaw din bitawan ng sister ko tong bahay kasi accessible sa lahat at baka bumalik din sila dto sa Manila if mejo umokay na sitwasyon..
Magbasa paKami rin nauna si baby , pero we already had plans to get married. When my husband proposed to me, we didn't know nabuo na pala si baby. We decided to get married kahit malaki na tyan ko kasi naabutan kami ng lockdown and all the quarantines kaya medyo nahirapan at natagalan kami sa pagkuha ng documents required for Civil Wedding. It was a blessing kasi nahabol namin maikasal 2 weeks before ako nanganak. Very intimate wedding lang,only 20 people were invited. What's really important is that we were committed to spend our lifetime together and trusted people in our lives witnessed and celebrated with us in that very special day. Sabi nga, your marriage is more important than your wedding. Marriage is all about two people willingly accepting that mentally, physically and emotionally they will share their most intimate spaces together for a long time to come. Have a simple wedding muna, then ipon and bili ng bahay 😉 Talk with your partner kasi there's already a baby involved.
Magbasa paHi sis! Ang marriage di minamadali. Oo babae tayo and we want security lalo’t buntis ka pa. Naiintindihan ko yung kagustuhan mong mapush ang kasal kahit simple basta makasal na nga since may baby na din at yun na ang priority. Pero may point din si bf mo. After wedding, you need to have your own house. I am saying this through my own experience since di namen naging priority magkaroon ng bahay muna before getting married. In our case wedding then baby then ngayon planning to have our own house pa lang. Lagi at lagi ka babalik sa sinabe ni father sa wedding which is iiwan nyo ang parents nyo para maging isa kayo. Mas masarap din sa pakiramdam yung si bf mismo ang pipilitin magkabahay na agad at makaipon para maibigay sayo ang wedding at ang buhay na deserve mo. For now, focus kayo kay baby and on the side.. on having your own house. Pray pa din palagi. It will all be given naman in God’s time.
Magbasa paako nauna din si baby, kasagsagan ng pandemic pagbubuntis ko kaya di pa kami naikasal, pero para samin ni hubby, parehas namin gusto na ipagpaliban na muna pagpapakasal kasi mas ok na ready na ang lahat bago kami ikasal, di dapat madaliin, mas less hassle kung di mamadaliin, kasi mahalaga sating mga babae ang kasal much better na mapaghandaan para mas special, hindi yung ikakasal nang dahil lang magkakababy na, mas ok na ang dahilan ng kasal eh dahil mahal na mahal nyo at ready na kayo kesa sa dahil lang may nabuo na, though maganda din ikasal na habang nasa tyan pa si baby para legitimate sya, kayo po makakapagdecide nyan, mag usap kayo ng masinsinan at iconsider ang punto ng isa't isa 😊
Magbasa pakami ng jowa ko nauna rin ang baby. napagkasunduan namin na unahin yung wellfare ni baby at yung ipon ay para kay baby muna tsaka na yung kasal. kung panatag ka naman sa jowa mo at alam mong kahit walang kasal e kayo pa rin, wag kayo mag madali. mahirap kasi rin yung dahil lang may anak na magpapakasal kayo tapos ending e di niyo pala keri maging mag asawa. mas mahal ang gastos pag annulment. nagegets ko yung legality ang habol para kay baby, pero diyan mo makikita kung responsible ba talaga yung gusto mo asawahin. kasi kahit walang kasal, kung responsable di naman kayo pababayaan. syempre dapat rin na bigyan ka niya ng assurance na ganon nga.
Magbasa paFor me, nauna din ang baby. Magpapakasal sana kami lastyear habang di pa malaki tummy ko but turn out nagpakasal din ang kuya nya. sabi ko pag'out nalang ni baby dun kami pakasal or isabay nalang sa binyag para makatipid lalo na pandemic. naiintindihan ko naman sabi ko. kumuha din kasi kami ng kotse at nawalan pako ng schedule for work at sya lang talaga nagwowork samin simula nalaman namin na preggy ako pero sya na mismo nagiinsist na gusto nya bago ko ilabas ang anak nya kasal na kami. and naka sched na kami sa March 4 for civil wedding and family lang invited. Then April ang due date ko.
Magbasa paSame nauna din baby namin pero bf ko gustong gusto nya na ikasal kami syempre para din kay baby kaya finafinalize nalang ung reqs namin for civil wedding. Wala namang gastos sa civil if ang iniisip nya mapapagastos kayo. Wala namang masama kung simpleng kasal lang. Ang mahalaga kinasal kayo. Pero kung ayaw nya padin well, hayaan mo sya sa decision nya. No need pilitin ang isang tao na pakasalan ka kung mahal ka nya talaga. Sure nadin naman ako sa partner ko since matagal na kami nakabukod simula nung bago pako maging preggy.
Magbasa paRight Timing po for me, same ng lip ko. 5yrs na po kami nagsasama. and nauna si baby. gusto nya magpakasal kami pag lumaki na yung bata. for me po okay lang. kasi baka pag hinintay ko pa po yung oras na tanungin nya ako magkapasal ay baka trenta na ako tapos saka lang mag aanak. baka naman ako din ang mahirapan magbuntis. KUNG dadating man yung araw na hindi kami tlga ang tinadhana, okay lang din. atleast may anak na ako. anyway 25yrs old na po ako ngayon. 14weeks pregnant. ❣️
Magbasa paAng maganda talaga ay ang ikasal muna bago ang baby kaya lang andyan na yan. Ang lalaki naman kung gusto ka pakasalan kahit sa kanto pa yan, papakasalan ka pero meron din yung pinapangako lang hanggang sa mapako para lang makuha ka. Mahirap kasi yung napilitan lang ang bf mo parang pinikot ganun. Sana magkusa sya kahit civil wedding. Kaya kami ng bf ko hindi ko talaga binigay ang sarili ko hanggat walang kasal well he respects me kaya asawa ko na sya ngayon at may honeymoon baby na
Magbasa paBago kami ikasal ng hubby ko (Newly wed here). Nauna din ang baby pero nung una wala pa sa plano namin magpakasal after a year nalang sana after ng graduation ko. Kaso gusto ng parents namin both na maikasal na thats why. Pero kung iniisip ng partner mo na mapapagastos lang kayo. Edi mag civil kayo mura lang gastos sa food and all pwede family lang kasama nyo sa reception nyo kahit sa bahay lang reception nyo.Wala namang masama kung simpleng kasal alng ang mahalaga maikasal kayo
Magbasa pa