Best newborn diaper
Hello mamshies. Manganganak na po ako this november. Ask ko lang po sana kung ano magandang brand ng diaper ang maganda for newborns at available lagi sa store. Nagstart na kasi ako magpack para sa hospital bag. Ang kelangan po bang may dalang formula milk sa ospital in case na mahirapan ako maglabas ng gatas?

Huggies Newborn po or EQ NB. Normal naman pong hindi ka magkamilk agad agad after manganak. Basta pabreastfeed mo lang si baby lagi para magkamilk ka agad. Or hingi ka nalang ng Breastmilk sa Hospital or hanap ka ng breastmilk donor para kay baby while wala ka pang milk. And wag mo pong itry mag Formula agad kasi hindi ka na niyan magkakagatas if masasanay agad si baby mag bottle kesa mag latch sayo. Try mo rin mamsh bumili ng Breastpump para kapag madami kapang milk sa breast mo, pwede mo siya istock para kay baby and para magproduce lalo ng maraming milk ang breast if nauubos ang laman niya 😊
Magbasa pa

