Hayy ang hirap hirap naman. Para na akong sasabog sa nararamdaman ko. Okay naman kami ng asawa ko sa mga bagay bagay, Wala naman kaming ganong pinag aawayan pero nakakapagod rin pala. Nakakapagod rin yung ako lagi yung kumikilos para sa aming dalawa. Btw, wala kaming work pareho kasi may business kami dto sa bahay. Kahit minsan wala na syang ginawa para sa akin. Napapagod na ako. Ang sama sama na ng loob ko sa kanya. Kapag kukuha ako ng pera namin lagi sya nagagalit sakin. Kapag sya lumulustay ng libo libo para sa libangan nya ayos lang sa kanya. Alam nyo yung pakiramdam na parang wala ka lang sa kanya? Pakiramdam ko kasambahay lang ako at tagapag alaga ng anak nya. Kahit pagod ako, may masakit sakin lagi ko pa rin sya inuuna. Pero parang di ko naman maramdaman na asawa ako? Sobrang nahihirapan na ako tapos madalas naiisip ko nlang na sana hindi ko nlang sya pinili. Sobrang kabaligtaran nya noon sa ngayon. Nung wala pa kaming anak, Hatid sundo pa nyan ako sa work, Maski panty ko nga nilalabhan nya. Pero ngayon wala. Hindi ko na maramdaman na may importansya pa ako. Iniisip ko rin na paano kung tuluyan akong ma fell out of love sa kanya. Ayoko rin pero nahihirapan na kasi ako. Hindi habang buhay kaya kong magtiis na ganito lang trato sakin. Hayy ang buhay may asawa.