46 Replies
Yung panganay ko ngang babae nung baby 1 year mahigit na kalbo pa din. Jahaha pero unti unti naman tumubo ung buhok nya. Ngayon 6yrs old na sobrang kapal and haba na. Baby pa naman yan kadalasan sa bby panot naman talaga mommy. Hayaan mo unh sinasabi ng iba
si baby ko din sinsabihan ng panot but its okay to me inaasar ko din sila for the sake ng anak ko na di pa makapagsalita for sure naman ako naging panot din sila nung mga baby pa sila, normal naman sakanila talaga kasi nagpapalit pa sila ng hair ehh.
si lo ko simula newborn until now makapal parin 4months na sya sa center yung mga nakikita kong babies don ganun din naman wala masyadong buhok yung iba okay lang yon magkakabuhok din si lo mooooo wag mo sila pansinin epal lang yon sila haha
Same Lang tayo mommy.. 6 months na lo q pero look at his hair.. mas makapal buhok nya salikod less harap.. Kaya don't worry.. yaan mo din sila.. tutubo at kakapal din buhok Ng mga lo natin soon.. Kaka exited.. 😊
Baby ko nung newborn palang, ngayong 4 months sya natatalian ko na buhok nya. Depende talaga sa genes hindi naman magkakatulad ang mga baby. Wag ka mo nalang cla pansinin.
meron din kasing baby na panot, meron ding pagkalabas, mbuhok na yung baby..iba-iba kase ang baby..wag sana nilang icompare..hayaan mu sila mamsh..wag magpakastress 😊
Hindi mommy, may mga sanggol kasing mas maaga tumubo yung hair sa likod kesa sa harap or vice versa. Tutubo din yang hair ni baby sa harap. Wag muna pansinin sila.
Depende po yan sa genes may mga babies po na matagal di tubuan ng hair. Saken po 2 mos si baby makapal na. Pag panganak mabuhok na din sya humaba nalng.
Baby girl sya? Same here. Hehe baby girl. Nakakainis talaga eeh. Ganun naman malimit ang new born 🤦♀️ wag mo nalang sila pansinin mamsh.
Yung baby girl ko mohok(tama ba spelling)😂 ung gitna lang may buhok nyahahahahahaha!!! Dedma...dadami din naman yan...eventually