Batang Naka dapa
Hayss . 2nd time ko ng magpaultrasound and Still Hindi pa din makita gender nya dahil naka DAPA. pano ba sya iikot ? 7 mos preggy .
Dapat po inom ka chuckie or any cold chocolate drink para ma-hyper si baby at mag move, lalo na pag bago ka magpa ultrasound then left side lang sanayin mo po matulog😇kaya pa yan momsh iikot pa yan ganyan din ako nuon mag 7 month's na bago nakita gender ni baby, tapos girl pala, tingin ko girl rin si baby mo momsh😁may pa-suspense din kasi hihi, pray lang din momsh😇
Magbasa paGanyan baby ko mung 5 mons pa lang sya sa tummy ko nahirap ob ko hanapin HB sa doppler kasi naka talikod pinag ultra sound ako ng ob ko ganon parin naka talikod pero normal HB nya ang gjnawa namin mag asawa pinapatugtugan lang namin sya palagi tapos kinakausap at iniilawan ayun pag ka 7 mons naka pusisyon na sya till now ka buwanan ko na. Kausap kausapin nyo lang sis
Magbasa paHello sis advice ko lang para umikot c baby try mo tumuwad, lagi mo gawin example pag may kukunin ka sa baba tuwad ka lang palaging ganung routine. Ganun lang kasi ginawa ko sa 2 nd baby ko. And syempre kausapin mo lagi baby mo na tulungan ka. Para mging maayos kayo at walang hirap sa panganganak. Awa ni Lord normal lang ako sis na ganun ginawa ko.
Magbasa paPareho Tayo Momsh.. nakailang pa ultrasound dn ako haha. Si baby kasi ayaw dn magpakita. Try mo siya kausapin.. at pag 7months kn saka ka magpa ultrasound ulit para sure na Makita na.. nun 28weeks ako nag pa 3D/4D ultrasound ako. Magpakita sya NG pempem nya kaso Yun mukha nya nmn tinatakpan nya hahaha. Super kulit tlg. 🥰😍🌸
Magbasa paSame case tayo mommy. Pabalik balik ako for ultrasound kasi nakadapa sya. Di rin makapag CAS. Nung 3rd time mas ok na position nya pero nakasiksik naman sa placenta.hehe drink lots of water po. Mga 2L ganun. Un ang sabi ng OB ko. Finally nung 3rd time, naconfirm na gender nya.❤
Sana nga po hihi . Thanks po 😊😊😊
nung nagpa-CAS ako, eh di dapat ok pwesto ni baby kasi nga lahat immeasure at bibilangin. nung may point na nagtatago siya, pinakain ako ng candy nung nag uultrasound sakin. 😁 ayun, after siguro 2 or 3 minutes gumalaw galaw, kaya mabilis kami natapos. kita lahat.
ganyan din ung sakin nung una nahirapan sila makita ang gender ginawa ng ob ko inalog ung tyan ko pero wala paring epek tas pinakain ako at uminom ng malamig ayun nag iba na ng posisyon ung baby ko nakita na din gender nya haha
Nung nagpa ultrasound ako non di din kita sa position ni baby, kaya ang ginawa ng sonologist pinaubo ubo ako tas ginalaw galaw nya tummy ko. Ayun nagpakita 😂 kain ka muna chocolate bago ka paultrasound.
Truth
Ganyan din po ako nung 7months na nagpa ultrasound nakadapa si baby kaya di nakita gender non, pero ngayong 9months na nagpa ultrasound ulit thanks God kasi nakita na gender nya at nakapwesto na sya😊
Ganyan din baby ko sis halos 7 months na nakita gender kasi lagi nakadapa or tagilid, me nagsabi sakin kain icecream bago pa ultrasound, nag try ako ayun natihaya naman nalaman namin gender heheh
Proud Momsy of 3 Kings and 1 Queen on the way