share ko lan.

Hays kawawa naman ung mga baby na gusto sila ipalaglag ng mga magulang nila. Kesyo hindi expected, wrong timing and etc... Sana lang po bago kayo gumawa ng bata alam nyo ung mga possibility na pwd mangyari hindi po ung kung kelan anjan na txka mag sisisi. Yes nasa huli talaga yan pero hello guys may buhay yang gusto mong patayin. Eto po suggestion ko lang. Every summer nag pupunta ako sa orphanage weekly para makipag laro at mag turo sa mga batang iniwan ng magulang. Yes alam nyo ung feeling na walang nag mamahal sayo ung feeling na sabik na sabik ung mga bata sa attensyon at oras ng isang magulang. I remember every mothers day and fathers day nasa orphanage kami to celebrate and para maging mga magulang nila para sa isang importanteng araw. Sobrang kawawa ung mga bata na andun kasi wLang pwd tumulong sa kanila kundi ung mga sarili nila kailangan nila mag pakatatag para mabuhay. Yes ang swerte nila kasi khit papano binuhay sila at may natutuluyan kagaya ng ganun. Kaya please kung sakaling hindi kayo ready jan sa mga batang dinadala nyo, hayaan nyo nmn silang mabuhay kasi alam nyo kung mag kakaroon lang din ng chance na pumili sila ng magulang nila gagawin nila un. Buhayin nyo ang mga bata na yan kung hindi kaya madaming pwd kumupkop sa kanila. Wag nyo ipag kait ung buhay na binigay ni lord. I remember just this aug.13 dinugo ako 6 moths preggy na ako when i saw the blood sa CR sobrang nanlambot ako hinawakan ko ung tyan ko kinausap ko si baby na sabi ko kapit lang sya wag nya ako iiwan. Then i pray nung papunta na kami sa hospital na sabi ko kay lord mabuhay lang si baby kahit ako nlng ung kuhanin nya kesa mawala ung baby ko. And ngayon 8 months preggy na ako sobrang thankful ako kay lord kasi andito pa si baby still alive and kicking. ??? Kaya please lang po wag nyo hayaan mawala ung baby sobrang malaking kasalanan po yan.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Agree po, mommy. Ako po unexpected po ang pagdating ng baby boy ko. 19 years old palang po ako and nag-aaral pa. Pero kahit sobrang takot na takot po ako sa Mama at Daddy ko, hindi ko po naisip na ipalaglag si baby. 5 months na po yung tyan ko nung nalaman ko pong preggy ako. Sobrang blessed parin po kasi pinanindigan ako ng BF ko at mahal na mahal kami no baby. Sabi ko sa sarili ko, may dahilan si Lord kung bakit Niya binigay agad sakin si baby. Ayun nga po, namatay ang Mama ko last March dahil sa cancer. Kumbaga, parang si baby po naging kapalit ni Mama kaya mas minahal ko po talaga ang baby ko. Ngayon, malapit na po siya mag3 months old, sobrang kulit at active. Hehehehe. Love na love po siya ng daddy niya at ng Daddy ko (lolo niya). Sobrang blessed na dumating po ang baby ko. πŸ’™

Magbasa pa

Oo nga pls lang .... face the consequences of your actions d pag patay ang sagot sa problema na yan...blessing yan d parusa..πŸ™‚